May TB, may benepisyo ba sa ECC? | Bandera

May TB, may benepisyo ba sa ECC?

Liza Soriano - June 14, 2014 - 12:48 PM

DEAR Aksyon Line:
May tanong po ako sa Employees Compensation Commission. Pansamantala po muna kasi akong hindi nakakapagtrabaho makaraan mahawaan ako ng sakit na tuberculosis. Nahawa lamang ako ng sakit sa aking kasamahan sa trabaho. Ako po ay isang mananahi sa isang garments factory. Ako po ba ay maaaring ma-cover ng benefits na ibinibigay ninyo para naman po makatulong sa mga kinakalangan kong gamot.
Salamat po Aksyon Line.
Ria

REPLY:
Sa kaso ni Rita, kung contagious disease yan o nakakahawang sakit gaya ng pulmonary tuberculosis o nahawaan ng sakit mula sa kasamahan sa trabaho, kinakailangan pa rin itong masuri ng medical evaluator.

Kinakailangang mapatunayan sa medical evaluation na nakuha nga ang sakit sa kasamahan sa trabaho.

Maaari rin na tingnan ang pagdami ng kaso o kung maituturing na itong epidemya.

Bukod dito, mahalaga din na masuri ang working condition ng pinagtatrabahuan.

Maituturing na compensability high risk ang ganyang sakit na kung saan may panuntunan naman na sinusunod ang mga evaluator ng ECC.

At sa pamamagitan nito ,maaaring mag file ng disability claim sa ECC.

May mga ganito na ring problema na na-encounter ang ECC o pagkahawa ng sakit mula sa kasamahan sa trabaho na ang kadalasang sakit ay tuberculosis.

Sa kasalukuyan ay may sapat naman na bilang ng mga evaluator ang ECC upang agad na masuri ang kaso ng mga claimants para sa agarang pagbibigay ng benipisyo sa mga ito.

Ang Employees Compensation ay karagdagang benipisyo na nakukuha ng mga empleyado sa pribado at pampublikong sector.
Atty. Jonathan
Villasotto
Deputy Executive
Director
Employees
Compensation
Commission

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending