Jasmine Curtis mas malayo pa ang mararating kay Anne | Bandera

Jasmine Curtis mas malayo pa ang mararating kay Anne

Cristy Fermin - June 13, 2014 - 03:00 AM

ANNE CURTIS AT JASMINE CURTIS SMITH

Sa unang pagkakataon ay nakaharap na namin nang personal ang magaling na direktor na si Mark Meily. Malayuan kaming humahanga sa kanya, pero nu’ng Martes nang hapon lang namin siya nakilala-nakaharap sa “Cristy Ferminute”, nagsadya siya sa programa dahil sa pinamamahalaan niyang serye ni Jasmine Curtis sa TV5.

Pilot episode lang ng Jasmine ang napanood, ang ikalawa ay biglang nahinto, iba’t ibang ispekulasyon tuloy ang kumalat nang hindi mapanood ang ikalawang episode ng Jasmine.

“Ako mismo ang nagpahinto ng taping for the protection of our stars and our staff,” pag-angkin ng magaling na direktor sa naganap. Napakarami raw kasing nangyayaring kagulat-gulat sa set, may isang stalker na nambubulabog sa kanila, inimbestigahan na kung sino ang gumagawa nu’n.

Napatunayan ng produksiyon na hindi naman pala nakakatakot ang naturang stalker, harmless naman, kaya muli nang gumiling ang mga camera para tuloy-tuloy na mapanood ang serye tuwing Linggo nang gabi ganap na alas-nuwebe kinse.

Maraming nagkokomento na mas magaling umarte si Jasmine kesa sa kanyang kapatid na si Anne, kung ganda naman ang pag-uusapan ay hindi rin sila nagkakalayo, maganda ang lahing pinagmulan ng magkapatid.

Masuwerte si Jasmine dahil hindi na ito nagdaan sa mga komentong ibinato nu’n sa kanyang kapatid na puro ganda lang naman ang puhunan sa pag-aartista. Wala raw acting si Anne nu’n na tulad ni Jasmine nang magsimula ang dalaga sa TV5, kinakitaan agad ng husay sa pagganap si Jasmine, kaya ipinapalagay ngayon ng ating mga kababayan na mas may mararating pa ang nakababatang kapatid ni Anne.

At simple lang at marespeto si Jasmine Curtis, walang kaere-ere ang dalaga, lutang ang kanyang magandang pakikisama sa lahat sa kabila ng kanyang estado bilang isa sa pinakaimportanteng artista ng TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending