2-1 LEAD SA SPURS | Bandera

2-1 LEAD SA SPURS

- , June 12, 2014 - 12:00 PM

MIAMI — Tumira ang San Antonio Spurs ng NBA Finals-record na 75.8 porsiyento sa first half tungo sa pagtala ng 111-92 pagwawagi laban sa Miami Heat at makuha ang 2-1 series lead.
Ipinasok ng Spurs ang 19 sa kanilang naunang 21 tira at nagtapos ng 25 of 33 sa first half, para mahigitan ang 75 percent shooting ng Orlando Magic kontra Los Angeles Lakers noong 2009.
“I don’t think we’ll ever shoot 76 percent in a half ever again,” sabi ni Spurs coach Gregg Popovich.
Hindi tulad ng Game 1 kung saan nakalayo sila sa huling mga minuto ng laro, ang Spurs ay nakalamang ng malaki agad bago ang halftime sa Game 2.
Nagbalik sa arena kung saan muntikan na nilang mapanalunan ang ikalimang kampeonato noong isang taon, ang Spurs ay naglaro na hangad na magtaguyod ng malaking kalamangan.
Tumira sila ng 13 of 15 at angat sa 41-25 sa unang yugto bago ipinasok ang naunang anim na tira sa ikalawang yugto tungo sa pagtala ng 55-30 bentahe sa laro.
Umiskor si Kawhi Leonard ng career-high 29 puntos kung saan nagbuslo siya ng 10 of 13. Si Leonard ay nakagawa lamang ng 18 puntos sa naunang dalawang laro. Subalit umubra agad ang kanyang outside shot at malaki ang naging epekto nito sa opensa ng Spurs.
Sina Danny Green at Tony Parker ay kapwa nagtala ng tig-15 puntos para sa Spurs.
Si James at Dwyane Wade ay parehong gumawa ng 22 puntos para sa Heat, na iho-host ang Game 4 bukas.
Ang isa pang miyembro ng Miami Big 3 na si Chris Bosh ay nakagawa lamang ng siyam na puntos para sa Heat, na sa ikalawang sunod na taon ay kinaikailangang makabangon mula sa 2-1 finals deficit matapos na matambakan sa Game 3.
Ang tambakang pagkatalo ay nangyari sa kanilang homecourt, kung saan ang Heat ay may 8-0 karta sa postseason at nagwagi ng franchise-record 11 sunod na laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending