Toni sa mga kontra-PBB: Alam ni Kuya ang ginagawa niya!
Ipinagtanggol ng host ng PBB All In na si Toni Gonzaga sa gitna ng sandamakmak na reklamo ng televiewers. Puro kabastusan at kahalayan na raw kasi ang itinuturo diumano ng programa sa mga manonood – hindi na raw ito good influence sa mga kabataan.
Sa isang interview kay Toni, sinabi nitong alam ni Big Brother ang kanyang ginagawa at naniniwala siya na hindi ito gagawa ng isang bagay na ikapapahamak ng PBB.
“Alam naman ni Kuya yun. Alam naman ng PBB yung limitations niya. So, everything is just really to test and challenge a person’s principles and values na kinalakihan,” chika ni Toni.
Partikular na tinukoy ng mga nagrereklamong viewers ang utos ni Kuya sa kanyang ,ga housemates na maghubo’t hubad para sa isang painting session.
Noong una ay pumayag ang ilang housemates ngunit umatras din ang mga ito sa bandang huli. Dagdag pa ni Toni, “Lahat naman yun task.
Everything na ginagawa sa PBB, lahat naman yun under the supervision of Endemol, which is the one in charge of the Big Brother franchise. “Hindi naman sila gagawa ng isang bagay na hindi nila kinukonsulta sa mismong gumawa ng programa,” paliwanag pa ng TV host-singer-actress.
Kahapon nakipag-meeting sa mga opisyal ng MTRCB ang mga taong involved sa PBB para magpaliwanag at naging maayos naman ang takbo ng dialogue.
Balitang wala namang sanction o parusang iginawad ang MTRCB laban sa PBB sa kabila ng kaliwa’t kanang reklamo laban sa programa.
( Photo credit to toni gonzaga official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.