Laplapan nina Maja at Jason matindi | Bandera

Laplapan nina Maja at Jason matindi

|January 20,2012
facebook
share this

Laplapan nina Maja at Jason matindi

- January 20, 2012 - 03:47 PM

Inamin ni Jason Abalos na halos one year na ang relasyon nila ni Jewel Mische.

Marami raw pagbabago ang naganap sa kanyang pagkatao simula ng maging magkaibigan and eventually ay naging kasintahan ang dating GMA artist na Kapamilya na ngayon.

Mas relihiyoso na siya at mas lalong naging close sa kanyang pamilya gaya ni Jewel,

“Mas okay na ang ganito kasi nakakapag-focus ka ng tama sa work,” hirit ni Jason sa mga pagbabagong naganap sa kanya.

Sa kanyang latest project na Lumayo Ka Man Sa Akin sa ABS, ay muli nga siyang mapapanood sa panghapong timeslot kasama si Maja alvador.

Tila natali na nga yata ang binata sa afternoon timeslot kaya binansagan na siyang daytime drama prince.

Wala naman daw siyang dapat na ipagtampo o ikagalit kung laging sa afternoon soaps na lang siya nailalagay at hindi sa primetime,

“Magiging choosy pa ba ako? In fact mas grateful nga ako dahil bukod sa naa-appreciate nila ang work at efforts ko, hindi ako nababakante.

Madami rin naman akong mga roles na gustong gawin kaya panay ang audition ko pero hindi rin naman lahat ay sa akin napupunta.

“Nagpapasalamat ako dahil may trabaho ako,” paliwanag ni Jason.

Kasama niya sa naturang soap ang dating na-link sa kanyang si Maja na forever niyang pasasalamatan dahil sa pagiging instrument nito para makilala niya si Jewel, “Very close friends naman talaga kami.

Tropa ko din si Matteo (Guidicelli),” tsika pa ni Jason sabay kuwento na nasanay na rin sila sa mga intimate scenes sa mga soap  gaya  ng mga ginawa nila ni Maja sa Lumayo Ka Man Sa Akin.

“Siyempre lovers ang roles namin at normal ‘yung mga intimate moments.

Matagal na naming na-overcome ‘yung mga feeling na ilangan dahil work lang naman talaga ang lahat,” dagdag pa nito.

Ka-love triangle naman nila dito ni Maja si Patrick Garcia na nagbabalik-

Kapamilya na rin, pati na sina Ariel Rivera at Ina Raymundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Muli ngang mapapanood ang Precious Hearts Romances at sina Jason at Maja nga ang buena manong bida sa pagbabalik nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending