Sarah: Espesyal sa akin si Gerald! | Bandera

Sarah: Espesyal sa akin si Gerald!

- January 20, 2012 - 03:02 PM

Niregaluhan siya ng isang bonggang-bonggang necklace

AFTER  naming makachikahan si Sarah Geronimo nu’ng Wednesday night sa pag-aari nilang business na Imo’s Pancit Malabon sa may Mindanao Avenue, napatunayan namin ang kanyang pagiging totoong tao at ang kanyang pagiging super simple girl. As in!

Thanksgiving party ‘yun ni Sarah para sa ilan niyang mga kaibigan sa entertainment press, and of course, katuwang niyang nag-prepare sa event na ‘yun ang kanyang super protective and loving mother na si Mommy Divine na siya pang nagluto ng ilang putahe para ipakain sa press people.

Dumating si Sarah sa venue ng walang make-up suot ang isang napakasimpleng damit.

Pero kahit na walang  ayos ang Pop Princess that night, lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda.

At halatang inspired ang TV host-actress dahil bukod sa pagiging madaldal ay game na game talaga siyang sumagot sa mga tanong ng press.

Wala siyang kiyeme-kiyeme, walang arte-arte kaya naman super enjoy talaga ang press habang kachikahan siya.


Kinumpirma ni Sarah na tuloy na ang airing ng kanyang sariling musical show sa ABS, ang Sarah G. Live!  tuwing Linggo ng gabi.

Inamin niya na pressured siya at kabado sa bago niyang project sa Dos, pero aniya, “Natural lang naman ‘yung kabahan ka, pero sabi ko nga, mawawala rin lahat ‘yan once na magsimula na, so sana, suportahan po nila.

Marami po akong magiging special guests dito.”

Dagdag pa niya, “Very happy po ako sa concept ng show. Pangalan ko po ang dadalhin ko dito, na ninenerbiyos po ako kasi, siyempre, sariling show na natin ‘to. But, of course, makakasama ko ang ibang artists din, magagaling na artists.”

At dahil  dito, goodbye muna sa ASAP 2012 si Sarah, “Pero siyempre, pag may mga guestings, shows, projects na kailangang i-promote, babalik tayo sa ASAP.”

Malapit na ang Valentine’s day, may nagyaya na ba sa kanyang makipag-date sa Araw ng mga Puso?  “Wala pong nag-aaya saka hindi pa naman ako…baka sa show makapag-date ako!”

E, paano kung yayain siya bigla ng rumored boyfriend niya si Gerald Anderson? “A, tingnan natin! Ha-hahaha!”

Kasabay nito, sa kapipilit ng press na sabihin niya kung ano’ng Christmas gift sa kanya ni Gerald, “Ano, nahiya naman po ako, nahihiya po akong sabihin, e. Tanungin n’yo na lang po siya kung ano ang iniregalo niya.”

“Binigyan niya ako ng necklace,” na ang tinutukoy nga ay ang Tiffany necklace na may pendant daw na puso. Mismong si Gerald daw ang nagbigay noon sa kanya sa bahay nila.

Binigyan naman daw niya ng shirt si Gerald noong Pasko, “Si Mommy ang namili nu’n, siyempre wala naman po akong time na makasama sa kanyang mag-shopping.”

Umamin ang Pop Princess na super close talaga sila ngayon ni Budoy, “Siyempre, espesyal din naman po yung tao. Nakatrabaho natin siya at nakita ko kung gaano naman siya kabuting tao. Mabuting anak din sa mommy niya.

“Nakita ko kung gaano siya ka-sweet sa mommy niya. Siyempre, for a guy, di ba, na maging ganu’n ka-sweet sa mommy niya, nakakatuwa. So, yun lang naman po. Hindi ko naman itatanggi na espesyal naman po yung tao,” dagdag pang chika ni Sarah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tumatanggap pa rin ba siya ng mga manliligaw ngayon? “Ay, ano lang naman po, wala naman po sigurong masama yung hayaan po natin yung friendship. Pero sa ngayon, wala po munang relationship. Titingnan po natin kung ready na ‘tong puso ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending