Bakit sinibak si Gatdula? | Bandera

Bakit sinibak si Gatdula?

- January 19, 2012 - 02:55 PM

NBI chief sibak Ni John Roson PAPALITAN ni Pangulong Benigno Aquino III si retired police Dir. Magtanggol Gatdula bilang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos masangkot sa umano’y pagdukot sa isang Japanese national. Kinumpirma ni Justice Sec. Leila de Lima ang pagsibak kay Gatdula matapos mapabalitang hindi na pababalikin sa trabaho ang huli. “I can confirm that director Magtanggol Gatdula will be replaced but as to his replacement, pinag-aaralan pa ng President,” sabi ni De Lima sa isang panayam sa Camp Crame kahapon. Lumiban sa trabaho si Gatdula matapos madawit gaya ng ilan pang opisyal at tauhan ng NBI sa pagdukot at umano’y pangingikil pa sa Haponesang si Noriyo Ohara. Samantala, nakatakdang ilabas ng Department of Justice ang mga rekomendasyon nito laban sa mga tauhan ng NBI na inakusahan ni Ohara ng kidnapping at extortion. Kabilang sa mga irerekomendang kasuhan si Mario Garcia, ang deputy chief ng NBI Security Management Division na ngayo’y “floating” o walang permanentng ang trabaho sa ahensiya. “One fo the findings of the panel is that it was, it (kaso ni Ohara) turned out to be a criminal operation… Ms. Ohara was taken against her will, and nagkaroon ng extortion, P6 million totally ‘yung naibayad. This is a very serious matter,” ani De Lima. Isa umano sa sinasabing posibleng pumalit kay Gatdula ay si dating PNP Chief Raul Bacalzo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending