Pokwang 15 taon nang tigang sa Sex: Waley e, alangan namang pilitin natin! | Bandera

Pokwang 15 taon nang tigang sa Sex: Waley e, alangan namang pilitin natin!

Ervin Santiago - June 09, 2014 - 03:00 AM

SUMUSUMPA si Pokwang na mahigit 15 taon na siyang walang sex life and still counting. Ibig sabihin, 15 years na rin siyang walang dyowa?

Ayon sa komedyana, kapag daw tuluy-tuloy ang trabaho at walang tigil ang pagdating ng mga projects, hindi mo na mabibigyan ng panahon ang pakikipagrelasyon o ang pakikipag-sex, lalo na kung wala ka namang permanent partner.

Sa isang TV interview, inamin ni Pokey na hindi na sumasagi sa isip niya ang sex, pero siyempre nai-imagine niya rin one day na matatagpuan din niya ang taong makakasama niya sa kanyang pagtanda, pero sabi nga niya, hindi naman yun hinahanap – kung darating ang lalaking yun, makikita niya ito at mapapasakanya.

“Hayaan niyo na nga huwag na nating pag-usapan yan,” ani Pokwang nang kulitin naman siya ni Kris Aquino sa isang episode ng Kris TV. Hirit pa nga niya, “Good news, magsi-16 na! Ha-hahaha! Akala mo good news dahil mayroon na, hindi, magsi-sixteen nang waley!”  natatawa pa ring chika ng komedyana.

Dagdag pa ni Pokwang, naka-focus siya ngayon sa kanyang anak, aniya, mas priority niya ang pagbabantay sa kanyang dalaga dahil feeling niya, ito yung panahong dapat niyang ibuhos ang extra time niya sa anak kapag wala siyang trabaho para masigurong nasa tamang landas ang bagets.

Samantala, natutuwa naman si Pokwang dahil puro positive comments ang natatanggap niya mula sa mga taong nakapanood na ng trailer ng latest movie niya na “My Illegal Wife” showing on June 11, kung saan makakatambal niya si Zanjoe Marudo with Ellen Adarna as the “legal wife”. Sey ni Pokey, tiyak daw na mag-eenjoy ang manonood sa pelikula nila ni Zanjoe dahil wala raw kayong gagawin sa sinehan kundi tumawa lang nang tumawa.

Bukod dito, nananatiling winner sa rating ang teleserye nilang MiraBella sa Primetime Bida ng ABS-CBN starring Julia Barretto and Enrique Gil.

Sabi nga ni Pokwang, sa itinatakbo ng career niya ngayon, maghahanap pa ba siya ng lovelife? Baka nga naman ang mangyari, bigyan siya ng boyfriend pero malasin naman ang kanyang showbiz career?!

( Photo credit  to pokwang official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending