Galaw ng Numero: 4 at 8 ang mahiwaga | Bandera

Galaw ng Numero: 4 at 8 ang mahiwaga

- January 18, 2012 - 04:49 PM

Dear David,
GUSTO ko ring magkaroon ng mga mahiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 13, 1979.

Ako’y biyudo at naiwan sa akin ang dalawa naming anak.  Iniuwi ko na lamang sila sa lalawigan.  Ako’y bisor sa kompanya.

Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

Bigyan mo rin ako ng buenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres  at lotto.
DONG  NG BACOLOD CITY

Dear Dong,
FOUR (4) at eight (8) ang mga mahiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Saturn ang kumukontrol sa iyong buhay.

Karaniwang nakakaranas ng ibayong lungkot ang tulad mong may mahiwagang No. 4 at No. 8.

Malalaking pagbabago ang magaganap sa iyong buhay.

Kailangang makalmante at mapanatag ka upang maging positibo ang mga pagbabagong ito, pero kapag buryong at sira ang iyong loob, negatibo ang mararanasan mo.

May pambihirang buenas na naghihintay sa iyo at magaganap ito sa pagsapit ng mapapalad mong taon 2012 at 2015  kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na trabaho at babaeng makakasama mo habambuhay.

Buenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 12, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Kulay dilaw at itim ang buenas mo. Sa suertres, isama mo ang No. 1 sa No. 4 at No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-10-23-28-34-37-40-42.
ASSET TIPS: 4-7-5/ 3-2-6/ 7-8-3. Wiretips: 2-1-7/ 7-8-3/ 2-4-8. Double digit: 3-8/4-6/ 2-1. Luzon guide: 3-7-11-19-23-27-30-31-34-37-40-42.  Vismin: 1-6-11-19-23-27-34-37-40-42. MegaLotto: 1-7-12-17-23-27-34-39-40-42. Four Number: 3-8/ 9-5/ 1-4.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending