Dahil sa show ni Willie, Iwa lagot sa GMA | Bandera

Dahil sa show ni Willie, Iwa lagot sa GMA

- January 18, 2012 - 04:24 PM

Ilang gabi nang sumasalang bilang co-host ni Willie Revillame ang young sexy actress na si Iwa Moto.

Tanggap siya agad ng mga tagatangkilik ng Wil Time, Bigtime, pati na ng staff ni Willie, madaling kinagaanan ng loob ng buong produksiyon si Iwa Moto.

Kung talento sa pagho-host ang pag-uusapan ay walang dudang maraming kakabugin ang seksing dalaga, hindi kasi siya marunong mahiya, ang lahat ay trabaho lang para sa kanya.

Pero nu’ng ikalawang araw pa lang ng pagsalang ni Iwa Moto sa programa ni Willie ay nagkaproblema na agad ang dalaga, pinipigilan siya ng GMA 7, dahil meron pa raw siyang kontrata sa network.

Nakakalungkot ang mga ganu’ng senaryo, walong buwan nilang ibinabad sa yelo ang career ni Iwa Moto, humihingi ng trabaho sa kanila ang dalaga pati na ang ina nito pero wala silang ibinigay na kahit anong pagkakakitaan.

Ngayong nagkaroon ng puwang si Iwa para mabuhay sa pamamagitan ng pagko-co-host sa WTBT, ngayong merong nagtiwala sa kanya para maipakita ang kanyang talento, ay saka naman naghahabol sa kanya ang GMA 7.

Ano ‘yun, ayaw nilang pakinabangan ng ibang istasyon ang kanilang personalidad na kontratado nga sa kanilang bakuran, pero wala namang trabaho?

Kung ganu’n palang ayaw nilang kumabila ng bakod ang kanilang artista, bakit hindi nila bigyan ng trabaho, para hindi na naghahanap pa ng ikabubuhay sa ibang bakuran?

Nakakaawa naman si Iwa Moto. Walong buwan na wala siyang trabaho, pero nang makahanap naman siya, may humaharang pa. Bawal nga ba namang mabuhay sa mundo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending