Di ako nanlalalaki (2) | Bandera

Di ako nanlalalaki (2)

Joseph Greenfield - June 08, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Janet, ng Calbiga, Samar
Problema:
1.     Inaakusahan ako ng mga kamag-anak ko na nanlalalaki.  Tanging ang barkada ko na lang ang nakauunawa sa akin at sinusuportahan nila ako.  Inaamin kong marami na akong naging boyfriend.  Pero, hindi ako nangungulekta ng lalaki. Manloloko ang mga lalaki.  Pagkatapos na matikman ka, nanlalamig na sila hanggang sa iwan ka.
2.      Ako’y nagpapasalamat dahil hanggang maaaga ay nabisto ko na sila. Kung puwede nga lang idemanda ang mga lalaking nagpaparaos lang.  May ilang relasyong sinubukan kong iligtas pero ayaw ko namang lumuhod at umiyak sa lalaki.  Ayaw ko namang maging kawawa.  May nanliligaw na naman sa akin.  Dalawa pa nga sila.  Sino ba sa kanila?  Ang mga birthday nila ay Jan. 26, 1992 at Jan. 15, 1991.  Ang birthday ko ay April 25, 1992.
Umaasa,
Janet, ng Calbiga, Samar
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa dalawang lalaking masugid mong manliligaw sa kasalukuyan, higit mong ka-compatible siyang isinilang nuong January 1, 1988. Kung saan, sa sandaling siya ang nakatuluyan mo, tiyak na kayo ay uunlad at habang buhay na yayaman.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasa higit mong ka-tugma at ka-compatible ang lalaking may birth date na 14, siya ang dapat mong maging boyfriend at mapangasawa, dahil kapag nagkatuluyan, ang inyong mga birthday ay nagpapakita ng pag-unlat at pagyaman, bukod sa magandang pamilya na itatayo.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling mabigo sa pag-ibig at makamit ang maligaya at panghabambuhay na pagsasama, lagi kang magsusuot at gumamit ng kulay na asul at pula.  Sa nasabing kulay, makakasumpong ka na ng isang mabuti at pang habang buhay na asawa.
Huling payo at paalala:
Janet, ayon sa iyong kapalaran, sa susunod na taon 2015 sa buwan din ng Enero mo sagutin ang lalaki. Sa ganyang paraan, matitiyak ang isang masaya, puno ng ligaya at maunlad na pag-aasawa, na nakatakda namang maganap sa taon 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending