NAGBANTA kahapon ang whistleblower na si Sandra Cam na ilalantad niya ang umano’y apat na iba’t-ibang kuha ng sex video ni Justice Sec. Leila De Lima.
Sa isang ulat sa radyo (dzMM) sinabi ni Cam, na siyang pangulo ng Whistleblowers Association of the Philippines, na mapipilitan siyang isapubliko ang sex video sakaling makalusot si De Lima sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Ayon kay Cam, tampok umano sa sex video ni De Lima ang kanyang driver/bodyguard. Nauna nang nagsumite ng affidavit si Cam sa CA na kung saan inakusahan niya si De Lima ng pagkakaroon ng “illicit affairs” sa mga may-asawang lalaki, kabilang na ang kanyang driver na si Ronnie Dayan at si Cesar Mancao, isa sa mga akusado sa pagpatay sa publicist na si Bubby Dacer.
Base pa sa ulat, ipinagtanggol naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte si De Lima sa pagsasabing “below the belt” na ang alegasyon ni Cam laban sa kalihim.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.