Maricar: Try namin ni Richard na makabuo na ng baby!
Hindi na bago kay Maricar Reyes ang gumanap na kontrabida, pero sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, “I’m an all out evil, very scheming,” kuwento ng aktres. Siya raw ang magpapahirap sa karakter ni Rose, isa sa dalawang role ni Bea Alonzo sa serye.
Aagawin niya ang lalaking minahal nito (Paulo Avelino) kahit ano pa ang mangyari.
“Ang sarap gumawa ng kontrabida roles. Yun bang kahit ikaw ay magugulat sa kakayahan mong mang-api, magpaiyak, mang-away,” ang nakangiti pang tsika ng aktres na masayang-masaya ring nagbalita na isang taon na pala silang kasal ni Rchard Poon.
Kaya naman ng tanungin siya kung bakit wala pa rin silang, “We want to wait at least a year na kaming dalawa lang. Ayaw ko mag-taping ng buntis. So saka na. I wanna focus on being a mom sa tamang panahon.”
Pero nag-pramis naman si Maricar sa kanyang mister na after ng project na ito, “Talaga pong sisikapin na naming magka-baby.”
Sa ngayon daw ay nasa adjustment period pa rin sila ng asawang si papa Richard Poon. Marami pa rin daw silang discoveries sa isa’t isa gaya ng pagkakaroon nila ng magkaibang pananaw pagdating sa “temper”.
“He confronts every small thing. Ako kasi if I have a problem, I usually run from it. Or nananahimik na lang ako. But with him, he wants to confront it, ayusin. So nag-aaway kami. Pero ayaw naming matulog nang hindi kami nagkakabati.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.