Kris, Bistek tuloy ang ligaya; Hunk model ginamit para iwas iskandalo
ANG model na si John Spainhour pala ang nali-link ngayon kay Kris Aquino.
Da who si John? Siya ‘yung underwear model na merong sexy video na naliligo habang suot ang white briefs ng nasabing clothing line. Siya rin ang photo bomber na nasa likod ni Kris sa isang photo. Siya ang ilalaban ng bansa para sa Mr. World 2014.
Nasulat sa isang website na si John ang natsitsismis na bagong boytoy ni Kris. Gano’n?
Nakapag-guest na si John sa show ni Kris who admitted na she stalked the model para maging guest sa kanyang early morning program. Talagang hindi niya tinantanan si John sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan at sa photo-sharing site na Instagram. Umapir si John sa Sandbox adventure episode ng Kris TV kung saan nakasama niya sina Shaina Magdayao and K Brosas.
True kaya na ang hunk model na ang bagong apple-of-the-eye ni Kris? O, another drama na naman ito para i-divert ang attention ng public from her relationship with Herbert Bautista. It was reported kasi na hindi naman totoong naghiwalay sila ni Bistek – tuloy pa rin daw ang ligaya ng dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.