PORMALIDAD na lamang ang paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa batas na magbibigay ng Filipino citizenship kay American basketball player Andray Blatche para makapaglaro para sa Gilas Pilipinas sa dalawang malalaking torneo sa labas ng bansa.
Sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon, sinabi ni SBP executive director Renauld “Sonny” Barrios na wala siyang nakikitang problema sa pagsali ni Blatche sa pambansang koponan na sasabak sa 2014 FIBA World Cup sa Spain at 2014 Asian Games sa Incheon, Korea.
Ang batas na magbibigay ng naturalized citizenship kay Blatche ay pumasa na sa Kamara at ipinadala na sa tanggapan ni Aquino noon pang Mayo 30.
“Hinihintay lang natin na mapirmahan ng ating mabuting Presidente ang kanyang papers para makumpleto yung proseso sa kanyang naturalization.
So kapag napirmahan iyon, susunod doon ang kanyang passport,’’ ani Barios.
( Photo credit to frederick nasiad )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.