Galaw ng Numero: 8 at 5 ang mahiwaga | Bandera

Galaw ng Numero: 8 at 5 ang mahiwaga

- January 17, 2012 - 02:25 PM

Dear David,
LAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay.

Isa akong vendor sa bangketa at ito ang ibinubuhay ko sa tatlo kong anak. Hiwalay ako sa asawa.

Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Nangungupahan lang kami ng bahay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

Ipinanganak ako noong Hulyo 8, 1970.

Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at  numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.


RIC NG DAVAO CITY
Dear Ric,
DAPAT ay ihanda mo ang sarili mo sa matitinding pagsubok .

Taglay mo kasi ang mahiwagang No. 8. Nagsasabi ito na mistulang magdaraan ka sa butas ng karayom bago makaahon sa hirap.

Pero sa bandang dulo, makakatuklas ka ng pormula sa pagtatagumpay na siyang magagamit mong hagdanan sa pag-angat sa pinakamataas na antas  ng tagumpay.

Sa kabila ng pagsubok, mapagtatapos mo ng pag-aaral ang iyong mga anak at magkakaroon ka rin ng pagkakataon na makapagpundar ng sariling bahay at lupa.

Makakapag-asawa ka rin nang hindi mo inaasahan upang magkaroon ka ng masagana at masayang pagtanda. Buwenas ka sa agribusiness at real estate.

Puwede kang magtinda ng agricultural goods at mag-ahente rin ng real properties.

Taglay mo rin ang mahiwagang No. 5 na nagsasabi na mapapalaki mo ang iyong negosyo at magkakaroon ka rin ng pagkakataon na makapag-asawa muli. Buwenas ka sa kulay itim at gray.

May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2012 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang  matatag na kabuhayan at muling pag-aasawa.

Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa suertres, isama mo sa No. 8 at No. 5 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 2-5-11-18-22-28-34-37-40-42.
ASSET tips: 5-7-8/8-7-3/1-5-6/ Wiretips: 5-8-4/ 9-2-1/ 8-2-3. Double digit: 4-7/ 1-5/ 8-3. Luzon guide: 1-11-18-23-27-34-37-40-42. VisMin: 1-5-11-17-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 1-5-11-18-22-28-34-37-40-42. Grand Lotto: 2-6-11-18-23-25-30-34-37-40-45-50-53. Four Number: 5-7-2-1/ 6-2-1-3/ 8-9-2-1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending