Coco hindi lang pang-drama, winner din sa comedy
NAPANOOD namin ang latest movie ng idol naming si Sarah Geronimo (Ha-hahaha! Wagas ang pagka-Popster, di ba?!) na “Maybe This Time”, kung saan katambal nga niya sa unang pagkakataon si Coco Martin.
In fairness, tama ang sinabi ng aming idol na nag-level up na ang kanyang acting dahil nga kay Coco at nagtagumpay din ang movie na “baliin” ang pagiging drama king ng aktor dahil kyut na kyut na lumabas ang mga jologs moments niya sa pelikula.
At 100% agree kami kapatid na Ervin du’n sa sinabi ni Sarah during the promo na maraming bahagi ng pelikula na malapit sa totoong buhay niya. Feel na feel namin yung eksena niya with her mother (Shamaine Buencamino) kung saan sinabi niyang mas pinipili niya ang pamilya niya over her love for Tonio (Coco) dahil ayaw na niya itong bigyan pa ng sama ng loob. Very real kumbaga dahil kilala naman nating napakamasunuring anak ng Pop Princess.
Ngayon ay matatawag na nating box-office actor si Coco na siya na lang kulang sa kanya para matawag na “complete package.” Malaking bahagi ng movie ang pagiging Tonio niya in all fairness kaya’t hindi natin puwedeng sabihin na dinala siya ni Sarah sa movie.
Sana nga lang ay masundan pa ito ng mas maraming “engaging movies” na puwede naman pala sa kanya and at the same time ay napapanood ang kakaibang talento niya sa comedy at light romance, hindi puro iyakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.