Lumalamig na relasyon (2) | Bandera

Lumalamig na relasyon (2)

Joseph Greenfield - June 02, 2014 - 03:00 AM

Gilda ng Barangay  Labisma, Bislig City
Problema:
1.    Hindi na ako masaya sa aking boyfriend, kahit na tumatagal na ang pagiging magkasintahan namin.  Lagpas na sa kalahating taon ang aming relasyon, pero imbes na lalong uminit ay lumalamig ito at ako ang nanlalamig sa kanya.  Unti-unting nawawala ang kilig at pananabik ko sa kanya.
2.    Wala nang nangyayari sa amin dahil napakaabala niya sa trabaho.
Noon ay dumadalaw siya sa bahay dalawang beses isang linggo.  Pero, ni dalawa minsan sa isang buwan ay wala na.  Sa palagay ko, niloloko na niya ako.  Kami pa ba?  Compatible ba kami?
Umaasa,
Gilda ng Barangay Labisma, Bislig City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus  (Illustration 2.) ay nagsasabing kung malaki ang katawan ng BF mo ngayon at maskulado, hindi siya ang makakatuluyan mo at magpapaligaya sa iyo. Sa halip isang payat o balingkinitang pangangatawan na medyo matangkad ang lalaking magpapaligaya sa iyo at makakasama mo habang buhay.
Numerology:
Ang birthday date mong 16 ay nagsasabing sa taong ito ng 2013 sa buwan ng Oktubre, sa larangan ng pag-ibig, tiyak ang magaganap – susuwertehin ka na sa pakikipag-relasyon, hatid ng isang lalaking may birth date na 2, 11, 20 o kaya’y 29.
Luscher Color Test:
Upang makamit ang kumpletong saya at ligaya sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon lagi kang gumamit ng kulay na berde at pula. Sa nasabing kulay tulad ng nasabi na, tuloy-tuloy na ang isang maligaya at pang habang buhay na pakikipag-relasyon.
Huling payo at paalala:
Gilda ayon sa iyong kapalaran, tama lang na kalimutan mo na at makipag-break ka na sa kasalukuyan mong boyfriend na walang oras sa relasyon ninyo, dahil kapag pinagtagal mo pa yan, lalo ka lang masasaktan at aasa sa wala. Sigurado na ang magaganap, matapos mong makipag-break sa nasabing lalaki, sa taon ding ito ng 2014, sa buwan ng Oktubre, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo ang darating – siya ang ikalawang magiging boyfriend mo, na magbibigay sayo ng maraming time, hanggang sa tuluyang mabuo ang isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending