Paulo hinding-hindi susuko, asa pa ring magiging girlfriend si Kc | Bandera

Paulo hinding-hindi susuko, asa pa ring magiging girlfriend si Kc

Ervin Santiago |June 01,2014
facebook
share this

Paulo hinding-hindi susuko, asa pa ring magiging girlfriend si Kc

Ervin Santiago - June 01, 2014 - 03:00 AM


UMAASA pa rin si Paulo Avelino na magkakaroon ng part two ang naunsiyaming “relasyon” nila ni KC Concepcion matapos ngang kumalat ang balita na binasted siya ng TV host-actress.

Ayon kay Paulo, nag-try sila ni KC na iakyat sa next level ang friendship nila ngunit mas pinili nilang maging magkaibigan na lang muna dahil sa ilang bagay na hindi nila kontrolado.

Sa presscon ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon opposite Bea Alonzo na magsisimula na ngayong Hunyo, nagpakatotoo si Paulo sa entertainment media, “To be honest, we had something special.

“We were special friends. Siguro we tried din to take it to the next level, pero madaming…first of all, siguro yung pinakamalaking nangyari is yung distance,” aniya. Nasa Amerika ngayon si KC taking up acting courses.

Tinanong din si Paulo kung nanghihinayang siya na hindi sila nagkatuluyan ni KC, “Kapag ganu’n kasi, tinutuldukan na. But everything in my life, I want to keep it open, ayaw ko talagang tapusin.”

Hirit pa ng Kapamilya leading man, “There’s communication and we are still friends pa naman. Wala namang pain. Happy heart.”

Kasabay nito, naniniwala siya na hindi buntis si KC tulad ng kumalat na balita ilang linggo na ang nakararaan. Siya kasi ang itinuturong ama ng diumano’y pinagbubuntis ng aktres.

“I think it’s not true. Hindi naman, it’s not true. Kumbaga, nagpo-post naman siya ng kung anu-ano (sa social media).  She’s also been seeing a lot of Filipinos, too,” depensa ng aktor.

Single raw siya ngayon at mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang career, “Ngayon, parang gusto ko munang mag-concentrate sa aking career kasi napakarami ko ring ginagawa bukod dito sa bago naming soap ni Bea.

‘Yun muna.”  Speaking of Sana Bukas Pa Ang Kahapon directed by  Jerome Pobocan at Trina Dayrit, palakpakan talaga ang showbiz press matapos ipalabas ang full trailer nito, kabilang na ang isang mainit na eksena nina Paulo at Bea (dual role) na mapapanood sa pilot week ng serye.

In fairness, matindi rin pala ang chemistry ng dalawa, kitang-kita ‘yun sa mga eksenang napanood namin, kaya siguradong susubaybayan din ito ng mga manonood.

Sabi nga ng pinsan namin na si Avigail Valenzuela ng Cainta, Rizal, nang mapanood daw niya ang trailer ng soap nina Bea at Paulo, tiyak daw na mapupuyat na naman siya gabi-gabi dahil sa pagtutok sa kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Makakasama rin pala rito ang mga award-winning actors nating sina Albert Martinez, Eddie Garcia, Dina Bonnevie, Maricar Reyes, Tonton Gutierrez, Anina Linda at Susan Roces.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandeha.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending