Lumalamig na relasyon | Bandera

Lumalamig na relasyon

Joseph Greenfield - June 01, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Gilda ng Barangay Labisma, Bislig City
Dear Sir Greenfield,
Hindi na ako masaya sa aking boyfriend, kahit na tumatagal na ang pagiging magkasintahan namin.  Lagpas na sa kalahating taon ang aming relasyon, pero imbes na lalong uminit ay lumalamig ito at ako ang nanlalamig sa kanya.  Unti-unting nawawala ang kilig at pananabik ko sa kanya.  Wala nang nangyayari sa amin dahil napakaabala niya sa trabaho.  Noon ay dumadalaw siya sa bahay dalawang beses isang linggo. Pero, ni dalawa minsan sa isang buwan ay wala na.  Sa palagay ko, niloloko na niya ako.  Kami pa ba?  Compatible ba kami?
Umaasa,
Gilda ng Barangay Labisma, Bislig City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi ako nakatitiyak kung niloloko ka pero hindi mo nga makakatuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend sa halip panandalian lang ang kasalukuyang relasyon. Ito ang nais sabihin ng Guhit ng Panandaliang Relasyon sa iyong palad (Illstration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin bagamat naging masaya ang una at ikalawang buwan ng inyong pagsasama, sa darating na mga araw, kusa na ring lalamig ang inyong relasyon hanggang sa mabale wala na.
Cartomancy:
Four of Hearts, Three of Hearts at Ten of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matapos kayong magka-break ng boyfriend mo, sa buwan ng Oktubre, isang bago at mas romantikong boyfriend ang darating na may initial na R.J.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending