Lesbian lover ni Sheryn may warning: Mag-ingat sa patibong!
Lumantad na ang nagki-claim na dating karelasyon ni Sheryn Regis na si Emy Madrigal. Gaya ng nauna naming report tungkol kay Sheryn at ang babaeng nabiktima niya diumano dahil pinagsabay sila ng karelasyon nito ngayon na kamag-anak mismo ng mister niya, ganito rin ang ibinandera ni Emy sa harap ng ilang manunulat.
Kinuwento sa amin ni Emy kung paano manghingi ng gadgets sa kanya si Sheryn. Napaka-demanding pa raw ni Sheryn dahil gusto nito agad-agad ibigay ni Emy sa kanya ang gadget.
Dahil diyan, natuto tuloy si Emy ng mga bagay-bagay how to send a package. Pati ang pamangkin ni Emy na nag-aaral sa US ay uutusan niya kahit sa alanganing oras para mapadala agad kay Sheryn ang gadget.
Sa sobrang kabisihan and most of the time ay nasa malayong lugar si Emy because of her business kaya inutusan niya ang kanyang pamangkin.
And yet, si Sheryn pa ang nagdududa sa kanya na kinikyeme lang daw na may pinadala na si Emy sa kanya pero wala naman. Samantalang, isang tawag lang ni Sheryn kay Emy ay oo agad ang businesswoman, huh!
Kung alam lang daw ni Sheryn, plano pa siyang bilhan ni Emy ng sariling bahay sa US. Pero dahil hindi na nga siya nagparamdam kay Emy ng ilang buwan at umabot sa hiwalayan kaya waley na ang bahay.
Ganoon ka-intense ang pagmamahal noon ni Emy kay Sheryn. Pero ngayon daw ay wala na talaga siyang nararamdaman for Sheryn. Kaya lang kinailangan daw niyang ilabas ang totoo para raw mawarningan ang iba pang private individual sa “patibong” ni Sheryn.
( Photo credit to sheryn regis official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.