OFWs pinatibay ng mga gulo | Bandera

OFWs pinatibay ng mga gulo

Susan K - May 28, 2014 - 03:00 AM

“EXAGGERATED naman ang balita.”

Ito ang ipinaabot ng isang OFW mula sa Libya. Reaksyon niya ito dahil sa dami ng tawag na natanggap niya mula sa mga kaanak dito sa bansa matapos mapabalita na delikado raw sa bansang kanyang tinutuluyan. Hinihimok siyang umuwi na lang.

Aminado naman ang OFW na normal na lang sa kanila ang tanawin sa Libya na trak-trak ng mga sundalo ang nakikitang pakalat-kalat sa kalye. Dagdag pa niya, mas nakapagtataka at nakakatakot pa nga raw nitong nakaraang linggo dahil napakatahimik sa Libya. Yun ang nakakapnibago, hirit niya, dahil hindi sila sanay na walang putukang naririnig sa buong maghapon. Hindi rin normal ang gabi pag hindi maliwanag dala ng mga putukan.

Normal na lang din umano sa kanila na hatid-sundo sila sa bahat at sa pinapasukang trabaho. Bagamat maaaring mamili ng mga importanteng mga gamit at pagkain, pero hindi pwede ang mamasyal.

Maging sa loob ng tahanan, sanay na rin sila sa pagapang na pagkilos.

Sa pagtulog, sa sala na lamang at kailangan sa lugar na mas maiiwasan ang pagpasok ng bala.

Sa kabila ng hindi normal na sitwasyon, dahil hindi naman natin nararanasan ang ganitong mga kalagayan sa bansa, exaggerated pa rin umano ang mga balitang nakakarating sa kanila.

Lalo pa umano nilang ipinagtaka nang magdeklara ang Department of Foreign Affairs natin ng Crisis Alert Level 2 sa Libya para sa mga OFWs.

Ngunit hindi rin naman nila minamaliit ang mga babalang ito dahil handa naman nilang lisanin ang Libya sakaling manawagan muli ang pamahalaan na lisanin na ang lugar.

Ganyan din ang reaksyon ng ating mga kababayan sa Thailand matapos namang mag-deklara ng Martial Law doon.

Kapag tinawagan sila, okay lamang daw sila.

Mas okay pa nga dahil tahimik daw nang mag-Martial Law at nalilimitahan na ang mga kilos-protesta.

Sanay na rin sila na mabilis magbaba ng mga lider sa puwesto sa Thailand. Normal na tanawin na rin umano iyon.

Sabi pa ng isa nating OFW, halos taun-taon hindi maaaring walang kaguluhan sa Thailand, ngunit ang maigi naman ay hindi naman umaabot sa matinding kaguluhan at natatapos din.

Kaya tulad ng OFW sa Libya, exaggerated din umano ang mga balitang dumarating sa mga kamag-anak na OFW sa Thailand na kailangang lisanin na rin nila iyon at baka mapaano pa sila, matapos ring ideklara sa Alert Level 2 ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga kababayan nga naman natin, pinatapang na ng samu’t-saring sitwasyon sa ibayong dagat. Sanay na sa mga kaguluhan at bahagi na lamang iyon ng kanilang pamumuhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending