P9.7M nasungkit ng x-ray technician na taga Mandaluyong
Leifbilly Begas - Bandera May 26, 2014 - 02:28 PM
ISANG 62-anyos na x-ray technician ang nanalo ng P9.7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42. Nagtungo Lunes ng umaga ang hindi pinangalanang nanalo sa Philippine Charity Sweepstakes Office upang kunin ang kanyang premyo kay Assistant General Manager for Gaming, Product Development, and Marketing Sector Conrado Zabella.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga lumabas na numerong 05-15-16-19-29-40. Ang mga numerong ito ay petsa ng kaarawan umano ng kanyang mga mahal sa buhay.
Mayroon siyang dalawang anak at nakatira sa Mandaluyong. Nagkakahalaga ng P100 ang kanyang itinaya ng manalo. Noong 1995 pa umano siya tumataya. Plano niyang bayaran ang utang niya sa bahay at tipirin ang bahagi nito para sa kanyang mga anak.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending