Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
8 p.m. Talk ‘N Text vs Alaska Milk
IPAGPAPATULOY ng Talk ‘N Text ang pagbangon sa kabiguan ng nakaraang torneo sa pagkikita nila ng Alaska Milk sa PLDT Home Telpad PBA Governors’ Cup mamayang alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Nagpamalas ng katatagan ang Tropang Texters nang talunin nila ang Meralco Bolts, 105-99, noong Miyerkules. Sa larong iyon ay binura ng Talk ‘N Text ang limang puntos na abante ng Bolts sa huling dalawang minuto sa pamamagitan ng 13-2 wind-up na pinangunahan ni Jayson Castro.
Si Talk ‘N Text import Othyus Jeffers ay nagtala ng game-high 38 puntos samantalang si Castro ay gumawa ng 21 puntos at si Ranidel de Ocampo ay nagtapos ng may 22.
“Jeffers only had three practices with us because of our tight schedule. I’m pretty sure he’ll get better,” ani TNT coach Norman Black.
Ang iba pang Tropang Texters na inaasahang kumamada ng husto ay sina Jimmy Alapag, Ryan Reyes, Larry Fonacier, Kelly Williams at Niño Canaleta.
Ang Alaska Milk ay may 1-1 record at galing sa 95-91 pagkatalo sa Globalport noong Biyernes. Nagwagi ang Aces sa una nilang laro laban sa San Miguel Beer, 94-87.
Samantala, nauwi naman ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang unang panalo matapos ilampaso ang Globalport Batang Pier, 119-97, sa unang laro kahapon.
Sa ikalawang laro, naungusan naman ng San Miguel Beermen ang San Mig Coffee Mixers, 92-90.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.