Sheryn Regis niresbakan ng ex-dyowang tibo: Haharapin ko siya!
Nagsalita na rin ang sinasabing nakarelasyon ni Sheryn Regis na si Emy Madrigal. “Officially po talaga, since 2011 na naging kami pero since 2005 may MU kami. 2006 umamin siya na may gusto siya sa akin,” say ni Emy na isa palang businesswoman.
Nagkakilala sina Sheryn at Emy dahil sa kanyang pamangking babae. “Sila ang unang magkakilala,” siya ni Emy. Dito na sa Pilipinas na-meet ni Emy si Sheryn, “Na-curious ako kasi sabi ng ‘anak’ ko, ‘mommy, mabait siya. 2005 nakita ko na siya.”
After that ay umamin na daw si Sheryn about her personality, “Inamin talaga niya sa akin (na tomboy siya). Sabi niya, ‘mommy, ganito ako. Nahalata mo ba?’ chika ni Emy.
The relationship took a sour turn when Emy discovered that Sheryn was into another relationship while they were still together.
And it was Sheryn who ended the relationship.
Nagkita pa sila sa isang hotel sa Makati nang sabihin ng singer na tapos na ang lahat sa kanila at isosoli niya lahat ng bagay na iniregalo niya including gadgets, expensive timepieces at pati ang P80,000 worth of load.
Hindi ba parang lumalabas na sinisiraan niya si Sheryn? “Isa lang ang sagot ko diyan. She deserves it. Ginawa niya akong tanga after how many years. At saka haharapin ko naman siya.
Sabi ko nga sa kanya, pareho naman kaming professional. Nu’ng kailangan mo ako nandyan ako kaagad.” During the relationship, nagkakutob na si Emy na karelasyon ni Sheryn ang isang kamag-anak ng kanyang asawa.
“Matagal ko nang alam talaga, may kutob na ako. Kasi sabi namin dapat may tiwala kami sa isa’t isa so walang lihiman.”
According to Emy, inamin ni Sheryn ang pagkakaroon ng isa pang karelasyon habang sila pa.
Teka, ano kaya ang magiging reaction ni Sheryn sa mga ito? Mag-react kaya siya? If you happen to read this, Sheryn, we’re willing to hear your side.
( Photo credit to sheryn regis official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.