Claudine kay Raymart: Wala na rin akong respeto sa kanya kahit konti!
WALANG balak magpatalbog si Claudine Barretto sa dati niyang asawang si Raymart Santiago. Talagang sa bawat salita ng aktor ay may katapat siyang resbak.
Siguradong nagwala sa galit si Claudine nang mapanood ang interview kay Raymart ng Startalk noong nakaraang Linggo kung saan inamin nito na wala na siyang nararamdamang kahit katiting na pagmamahal sa dating asawa.
Sa isang TV interview, sumagot naman si Claudine at sinabing nagsisisi siya kung bakit pinakasalan pa niya ang aktor. Bukod dito, wala na rin daw siyang nararamdaman na kahit kaunting respeto sa dating mister.
“Wala na rin akong respeto na kahit konti sa kanya, kahit bilang ama na lang ng mga anak ko. And I think i’ts just fair enough na after I said na pinakamalaki kong pagsisisi (ang) pakasalan siya, na nakilala ko siya,” bwelta ni Claudine.
Inamin din nito na disappointed sila na hindi man lang naaresto o nakulong kahit sandali si Raymart matapos ngang maglabas ng warrant of arrest ang Marikina Regional Trial Court kaugnay ng kasong paglabag sa Violence Against Women and ther Children Act na isinampa ng aktres sa kanyang estranged husband.
Agad kasing nakapagpiyansa si Raymart bago pa man lumabas ang arrest warrant. At hindi ito ang inaasahan ni Claudine, “Ang ginawa nila, nagpa-interview sila sa Startalk, pero hindi sila umamin na mayroon silang warrant of arrest at nakapag-bail na sila.
So, napaka-scheming. They will do everything just for a clean name.” Ayon naman sa kampo ni Raymart, wala silang binangfgit tungkol sa warrant of arrest dahil wala namang nagtanong, “The warrant of arrest was issued by the court, but even before it was served, we already posted bail.
Raymart voluntarily went to the Office of the Clerk of Court of Marikina to post bail,” ayon sa abogado ng aktor na si Atty. Ruth Castelo.
( Photo credit to claudine barretto official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.