Sulat mula kay Mila, ng Pandan, Antique
Dear Sir Greenfield,
Dati kaming overseas worker ng asawa ko. May konting naipundar pero naubos din. Nagkasakit ang asawa ko dahil hindi niya natagalan ang init sa Jeddah at hindi na siya pinayagang magpatuloy pa kahit gumaling siya. Mabuti na lamang dahil ang kanyang foreman ay Pinoy kaya ipinakiusap na bigyan siya ng pera kahit paano nang may magasta naman siya pagdating sa amin. Pero, humina ang kalusugan ng mister ko nang dumating siya. Kaya’t naubos din ang dala niyang pera at ang ipon ko. Sa tulong kinaaniban naming sekta ng ay gumaling ang mister ko at balak naming bumalik sa Middle East. Makabalik kaya kami? Ang birthday ng mister ko ay Jan. 14, 1979 at ako’y Feb. 11, 1980.
Umaasa,
Mila, ng Pandan, Antique
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapwa kayo may ikalawang Travel Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa kaliwa at kanang palad ninyong mag-asawa. Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap, tulad ng dati muli kayong makapangingibang bansa. Kaya sa ngayon, hindi dapat mawalan ng pag-asa, ituloy lang ang inyong paga-apply sa abroad, darating ang panahon may mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Jack of Diamonds at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung anumang salapi ang nawala sa inyo noong magkasakit ang mister mo, tiyak ang magaganap sa susunod na taon babalik din sa inyo ang kasaganaang pang materyal hanggang sa tuluy-tuloy na uli kayong yumaman.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
