Coco marami ring natutunan kay Sarah bilang drama actor
Speaking of Coco Martin, talagang hanga kami sa pagiging professional ng award-winning Teleserye King. Imagine, kahit na lagare siya sa Ikaw Lamang at sa bago nilang movie ni Sarah G na “Maybe This Time”, wala kang maririnig na reklamo sa kanya?
Kaya nga lahat ng nakakatrabaho niya ay abot-langit lagi ang papuri sa kanya. Tulad na lang ni Sarah, hindi pa nga naiso-showing ang kanilang movie, nagsabi na ito na sana raw ay mabigyan uli sila ng chance ni Coco na magkasama uli dahil napakarami raw nitang natutunan sa aktor bilang artista.
Ang sabi naman ni Coco, kahit daw matagal-tagal na siya sa larangan ng pag-arte, napakarami pa rin niyang natutunan sa Pop Princess pagdating sa akting. Kaya nga lumabas na maganda ang kanilang proyekto dahil tulungan ang lahat ng involved sa proyekto.
In fairness, may nakausap kaming taga-production at promise niya sa amin, hindi raw ito magpapahuli sa kalibre ng mga past movies ni Sarah, lalo na sa mga pelikula nila ni John Lloyd Cruz. At kung nag-enjoy daw ang mga Pinoy sa “Starting Over Again” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, tiyak na uulit-ulitin din ng viewers ang “Maybe This Time” na idinirek ni Jerry Sineneng.
Showing na ang “Maybe This Time” sa May 28 nationwide, kasama rin dito sina Ruffa Gutierrez, Ogie Diaz, with Dennis Padilla, Buboy Garovillo, Sharmaine Buencamino, Tony Mabesa, Alex Castro at Devon Seron.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.