Luis sa pagiging babaero: Nagbago na 'ko, ayoko na ring lokohin ang sarili ko! | Bandera

Luis sa pagiging babaero: Nagbago na ‘ko, ayoko na ring lokohin ang sarili ko!

Reggee Bonoan - May 19, 2014 - 03:00 AM


KINAILANGAN palang dumaan muna sa child psychologist ang mga host at coaches ng The Voice Kids para mabigyan sila ng tips kung paano makisalamuha sa mga batang kasali sa kumpetisyon.

Ito ang nalaman namin sa presscon ng The Voice Kids na ginanap sa Good Times KTV Bar sa The Fort Strip noong Huwebes ng tanghali.

Kuwento ni Luis bilang host ng nasabing reality show, “Kasi we’re dealing with children, they’re more fragile, they’re more sensitive, so you have to consult especially for someone like me, so I have to be more cautious in everything I say.”

Wala namang problema ang TV host sa mga bagets at sa katunayan ay may mga natutunan din siya kung paano makisalamuha sa mga ito, “I host for Star Circle Quest for Kids almost 10 years ago, I did two or three seasons, I did Minute to Win It na kids, junior,  plus I host for Pilipinas Got Talent, a lot of kids, so I’d like to think that I was well equipped for this.”

Ang pagkakaiba lang daw ng mga bata sa The Voice Kids sa ibang reality shows na hinost ni Luis ay, “These kids are so mature parang ako (nagugulat), for example we have contestants mga 8 years old, they had 30 singing contests already.

Even you say they’re so fragile, grabe rin naman ‘yung maturity nila, that’s completely different, ‘yung mga kids ngayon.
“They know what they want, they know what to pursue their dreams, and it’s not just they were push to join the competition, they’re after what they’re really, really want to join The Voice of the Philippines,” paliwanag ng TV host.

Samantala, ang ganda ng ngiti ng aktor nang marinig ang pangalan ni Angel Locsin, hiningan kasi siya ng komento tungkol sa The Legal Wife na mainit na pinag-uusapan ngayon, “You know, everything they do is trending, kahit nga commercial gap yata trending pa rin.

I know how hard they work, I know how hard the people they’re working behind and in front of the camera, siguro nasusuklian ang hardwork nila, napakaganda ng ratings, the feedbacks at sa mga kaibigan sa facebook nila, galit na galit sila sa The Legal Wife, kulang na lang murahin nila, actually minumura na nila ‘yung show kasi hindi na sila makalabas (gimik) dahil ‘yung mga asawa nila nagdududa na.”

“Parang, punye***a  ‘yang show na ‘yan, magba-basketball lang ako, kung anu-ano pa ang mga tanong ni misis’, mga ganyan, so it shows that they’re really doing something good,” masayang kuwento ni Luis.

Samantala, tinanong namin nang diretso si Luis kung hindi ba siya nagseselos sa mga kissing scene nina Angel at Jericho Rosales sa The Legal Wife, “Hindi, kasi work ‘yun.

I know naman it’s work, like my mom (Batangas Gov. Vilma Santos), ilang beses na rin niyang ginawa sa movies niya, I know it’s work.”  May pagkakataon pa bang naisip ni Luis na muling lokohin si Angel? “Wala naman.

Nagbago na ako (birong sabi ng aktor).  I was never a perfect boyfriend, but I’d like to think that I learned my mistakes from the past. Ayoko na ring lokohin ang sarili ko,” diretsong sagot ng TV host-actor.

Inamin ng aktor na hindi na siya natatakot ngayon dahil wala namang mahuhuli si Angel sa kanya, “Kung dati siguro matatakot ako, pero ngayon hindi na, kasi maayos na ang pananaw ko sa buhay, okay na ako.”

Handa na bang mag-settle down si Luis, “Yes, I could be a bit more ready but kung baga, there’s still things I want do on my own as Luis Manzano before tying the knot.”

Sinundot namin ng tanong kung kailan ba ang plano niyang mag-propose kay Angel, “Ayoko muna sabihin kasi may mga nangyayaring bigla na nauusog ‘yung time table, so we have to wait and see.

“Unpredictable ang showbiz, eh, minsan there’s more shows coming in, minsan bakante, so medyo magulo.  If I see something more stable, kasi mamya maghanda ako, tapos biglang (may work), so hopefully very soon,” seryosong sabi ng aktor.

Ano ang naging reaksyon ni Luis tungkol sa magandang larawan nina Gov. Vilma at Angel noong nakaraang Mother’s Day nang isama niya ang dalaga sa family dinner nila?

“It was Mother’s Day, so sabi ko kay Kite (Angel), bakit hindi natin dalawin si mommy to greet her kasi we don’t regularly see my mom, so dinalaw namin and everytime na kumakain si Kite sa amin na we really like doing or I really like doing is dito ako nakaupo, si tito Ralph and Ryan and magkatabi sina mommy at Kite.

“Habang kumakain sila, I’d like to see them interact, I like to see them talk and make up for the lost time, like politics is the topic.
“And ako nagtanong kay Kite very lightly, I asked her kung gusto niyang maging first lady ko sakali, tapos tumatawa lang siya and I guess that’s something good, hopefully,” masayang kuwento ni Luis.

At mas lalo pa raw natuwa si Luis nang sabihan ni Gov. Vi si Angel ng, “Welcome home. It was nice seeing old friends or old family (for not seeing each other for so many years).

Very airport ang dating na sobrang higpit ng yakap ng pamilya, I’d love seeing that.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to angel locsin official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending