The Voice Kids bibirit na sa ABS-CBN | Bandera

The Voice Kids bibirit na sa ABS-CBN

Ervin Santiago - May 18, 2014 - 03:00 AM


MAKIKILALA na ang mga bulilit sa likod ng mga higante at kakaibang boses na haharap sa hamon ng pagtupad ng kanilang mga pangarap sa inaabangang pagsisimula ng The Voice Kids sa May 24 sa ABS-CBN.

Parehong tensyon ang dapat na abangan at parehong galing sa pagkanta ang hahanapin ng nagbabalik na coaches na sina Popstar Royalty Sarah Geronimo, Rock Superstar Bamboo, at Broadway Diva Lea Salonga sa mga batang Pinoy na may edad na walo hanggang 14 taong gulang.

Katulad ng ibang international versions ng The Voice Kids, tatlo ang uupo sa coaches’ chairs para piliin ang young artists na kanilang ime-mentor sa pamamagitan ng pakikinig lamang sa kanilang boses habang nakatalikod sa Blind Auditions.

“Napakalaking privilege to work with some amazing kids, and hopefully para maimpluwensyahan sila sa tamang paraan,” saad ni Lea.

Ayon naman kay Sarah, malaki ang koneksyon niya sa mga batang sumalang sa The Voice Kids, lalo na’t sumali rin siya sa iba’t ibang amateur at TV singing contests noon.

“Nakikita ko ang sarili ko sa kanila. I believe ito ang magiging strength ko at makakatulong sa pagco-coach ko sa kanila, kasi pinagdaanan ko na ang lahat ng ito,” pahayag ni Sarah.

Aminado naman si Bamboo na mas mahirap umano ang kids edition ng programa at itinuturing niya itong isang malaking challenge. “Sa adults, alam mo na ang direksyon kung saan sila as an artist. Sa kids, gray area pa.

So I carefully listen to every child so I can give justice to their performance when I comment, whether I turn around or not,” sabi niya.  Sa pagtatapos ng Blind Auditions kinakailangang makapili ang bawat coach ng 18 artists na mapapabilang sa kanilang teams at uusad sa susunod na rounds ng kumpetisyon.

Hindi na bago para kay Luis Manzano ang mag-host ng isang programa kung saan bida ang mga bata, dahil nakasama na niya ang mga ito sa Star Circle Kid Quest, Junior Minute to Win It at Pilipinas Got Talent.

“Na-expose na ako sa mga bata, so alam ko kung anong sasabihin sa kanila o mapagaan ang loob nila. Ako gusto ko ang backstage area, kahit paano hindi pa sila ninenerbiyos.

Nalalaman ko ang istorya nila, bakit sila nandito, ang mga bagay na gusto nilang ma-accomplish,” ani Luis. Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay makakatrabaho niya si Alex Gonzaga, ang dating V-Reporter sa Season 1 ng The Voice of the Philippines.

“Ang sinasabi ng staff hindi kami pwedeng magsama, kasi tatawa lang kami nang tatawa. Pero ang tagal ko na siyang kilala, and it’s honestly a pleasure to work with her,” dagdag ni Luis.

Abangan ang pagsisimula ng The Voice Kids kung saan pangarap ang puhunan at boses ng bulilit ang labanan sa ABS-CBN ngayong May 24.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending