Binulabog ng supporters ni Anne Curtis alyas Dyesebel ang katotong Ogie Diaz nang itulak niya sa swimming pool ang dalaga nu’ng ipakilala ito ni Gerard Anderson (bilang Fredo) sa inang si Zsa Zsa Padilla.
Base sa text messages na ipinabasa mismo ni Ogie kay Dreamscape Entertainment head, Deo T. Endrinal ay nagagalit ang fans ni Anne dahil sa ginawa ng katoto sa alaga nila at masaya ring ibinalita sa amin ng TV executive na humataw sa ratings game ang eksenang iyon.
Kaya ang hiling ulit ng katotong Ogie kay sir Deo at Ms. Kylie Manalo-Balagtas (business unit head) ay, “Sige na, itulak ko ulit kasi daming nag-react, heto nga, daming nag-text, galit na galit sa akin.”
Sagot naman ni DTE, “Oo nga, ang taas ng ratings ng Dyesebel, no’n.”
Dalawang beses na raw itinulak ni Ogie si Dyesebel, isa sa pool at sa dagat at sa ngayon, iniisip na raw kung saan naman ang pangatlo. Sabi namin ay ilublob niya ang ulo ni Dysebel sa ilalim ng tubig para mas maraming magalit sa kanya.
Busy as a bee na ang katotong Ogie dahil bukod sa ngaragang taping ng Dyesebel ay walang humpay din ang shooting nila sa pelikulang “Maybe This Time” kasama sina Coco Martin at Sarah Geronimo mula sa Star Cinema at Viva Films na idinirek ni Jerry Sineneng.
Biro nga ni sir Deo, “Naku, busy na nga, nakikipag-agawan na ng oras sa akin dahil sa ‘Maybe This Time’, mabuti na lang hindi pa niya nalilimutan ‘yung character niya (sa Dyesebel).”
Bongga si Ogie dahil si ABS-CBN Channel head, Ms. Cory Vidanes pala ang tumatayong manager niya at dinaig pa niya si Kris Aquino dahil mas mataas ang posisyon ni tita Cory kay sir Deo na manager ng Queen of All Media sa mga programa niya sa Dos.
“Maybe this time” ay magiging kaliwa’t kanan na ang projects ng katotong Ogie with tita Cory as her manager.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.