Kilikili ni Kathryn dinoktor, pinaitim; Angel malupit sa stylist, make-up artist
Merong isang Facebook Fan page account na sobra ang galit kina Kathryn Bernardo at Angel Locsin. Puro paninira kasi ang inilalabas nila about the two na wala naming basehan.
Lately ay pinaglaruan ng fan page account ang kili-kili ni Kathryn. Nakunan kasi siyang naka-bustier gown noong kanyang debut na kita ang kanyang kili-kili.
Parang dinoktor ang photo at pinalabas na maitim ang underarm ng young Kapamilya actress. Nilait-lait ito dahil hindi raw pantay ang kanyang skin tone.
Habang maputi raw kasi ang ibang bahagi ng katawan ni Kathryn dahil sa paggamit ng gluta ay naiwan naman ang kanyang kili-kili na kung i-describe ng Facebook fan page admin ay chicken skin.
Si Angel Locsin naman ay pinalabas na maldita sa kanyang make-up artist. Hindi raw ito nagsasalita habang inaayusan at suplada pa ang beauty kapag hindi nagustuhan ang ayos sa kanya.
Since may pagkakulot ang hair ng dalaga ay super unat daw ang hairdresser nito pero naba-badtrip daw ang hitad kapag may nakita siyang kulot na buhok.
Aagawin daw nito ang blower sa kanyang make-up artist at siya na ang mag-uunat nito.There seems to be a desperate effort para pabagsakin sina Angel at Kathryn pero salat at wala naman sa katotohanan ang mga nasulat about them.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.