KUNG may isang wish si Coco Martin na gustong matupad ngayong 2012, ‘yan ay walang iba kundi ang matuloy na ang pagsasamahan nilang pelikula ni Judy Ann Santos.
Chika ni Coco, talaga raw magiging dream come true para sa kanya ang makasama si Juday sa isang teleserye o sa isang pelikula.
Matagal na niyang pangarap ang makatambal si Juday dahil idol na idol niya ito pagdating sa pag-arte.
Dapat sana’y last year pa nagsimula ang shooting ng kanilang pelikula, in fact, isa ito sa isinabmit ng Star Cinema para sa nakaraang Metro Manila Film Festival, pero hindi nga ito napili.
Kaya nga nu’ng malaman ni Coco na hindi na muna itutuloy ang proyekto, ay talagang nalungkot siya.
“Sana matuloy na ‘yun, talagang paghahandahan ko ang project na ‘yun, dream come true para sa akin kapag nakasama ko si Ms. Judy Ann sa isang proyekto.”
Sa ngayon, busy na ang aktor sa taping ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Walang Hanggan kung saan makakatambal niya si Julia Montes.
Makakasama nila rito sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, sina Susan Roces, Helen Gamboa, Melissa Ricks, Paulo Avelino at Joem Bascon.
“First time kong gumawa ng love story. Masaya kasi magaan at nakaka-in love,” ayon kay Coco.
In fairness, sa teaser pa lang na napapanood natin, mukhang exciting nga ang proyekto, plus the fact na muli nating mapapanood ang dating magdyowang sina Goma at Dawn.
At ‘yan ang isa sa mga dapat abangan ng mga manonood sa Walang Hanggan.
In fairness, talagang tuluy-tuloy ang daloy ng swerte sa buhay ni Coco, ‘no! Mula nang magsimula siya sa ABS-CBN ay hindi na tumigil ang pagdating ng blessings sa kanyang buhay.
“Sinasabi ko nga hindi lang sa dami ng trabaho, hindi lang sa dami ng awards na nakukuha ko, kumbaga lahat eh.
“At sa family ko, sabi ko hindi ko na alam kung paano ko ibabalik sa tao kasi kung asan man ako ngayon, utang ko ito sa mga taong sumuporta sa akin, sa mga nanonood at sa mga humahanga sa akin,” chika pa ni Coco.
Bukod sa teleseryeng Walang Hanggan, tinatapos na rin ni Coco ang pelikula nila ni Angeline Quinto, aniya, “Medyo matagal pa ‘yun, kasi ginagawa pa namin itong soap.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.