DEAR Aksyon Line
Gusto ko lang po sanang humingi ng tulong sa Aksyon Line. Ako po ay empleyado sa isang garments dito sa amin sa Putong Kahoy, Lipa City, Batangas. Regular employee po ako sa aking pinagtatrabahuhan, 8 hrs po ang pasok mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon. Pero madalas po akong Pinag-oovertime ng aking amo pero wala naman pong additional na bayad na
ibinibigay sa akin sa tuwing sweldo. Ano po ang dapat kung gawin? Natatakot naman po ako na komprontahin ang aking employer dahil baka mapag-initan ako.
Isabela
REPLY: Isabela, kapag lumagpas na sa 8 oras ang pagtatrabaho ng isang manggagawa, kinakailangan na ibigay ang overtime pay.
Ang overtime pay ay karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong oras sa isang araw.
At ang saklaw nito ay tulad din sa saklaw na nakapaloob sa Premium pay.
Ngunit ang COLA ay hindi naman kasama sa overtime.
Ang pinakamababang overtime pay ay nagkakaiba depende kung anong araw naganap ang pagtatrabaho ng overtime.
Ang pagtatrabaho ng lampas sa walong oras sa ordinaryong araw, karagdagang 25% batay sa hourly rate samantalang 50% batay sa hourly rate kung special day.
Kung hindi nagbibigay ng overtime pay ang iyong employer, malinaw na may paglabag dito at maaari kang magtungo sa DOLE field office at may SENA officer na mag-eentertain at didinig ng iyong reklamo.
At hindi ka rin dapat matakot dahil ipinagla-laban mo lamang ang
iyong karapatan.
Nicon Fameronag
Spokesman,
Department of Labor and Employment
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.