Osang magkaka-breast cancer kung hindi ipatatanggal ang pekeng boobs
KUNG hindi ipatatanggal ni Rosanna Roces ang peke niyang boobs ay baka tuluyan siyang magka-breast cancer. Ayon sa aktres, posibleng makuha niya ang sakit dahil sa ipinagawa niyang dibdib noong pasukin niya ang showbiz.
Pero sey ni Osang, hindi pa niya napagpaplanuan kung kelan niya ipatatanggal ang kanyang dibdib, “Gustuhin ko man siyang tanggalin – masakit na din nga kasi sa likod eh yan – sa mga ganyang role kailangan pa din siya, ika nga parang umaakting din.
So in time (tatanggalin din). Tapos na kasi yung ano niya (panahon), boundary na ito eh.”
42 years old na si Osang at aniya, parang nasagad na sa limit ang kanyang breast implant, kumbaga malapit na itong ma-expire kaya hindi malayong mauwi ito sa breast cancer.
Apat na taon na rin siyang single at ang mga apo lang niya ang concern niya ngayon, “Nasa bahay lang ako nag-aalaga ng apo. Kapag tumatanda ka na, gusto mo na ‘yung patahimik nang patahimik. Hanap ako nang hanap ng pagmamahal. Akala ko sa lalaki, hindi pala eh.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.