ISA sa pinaka-inefficient na transportation and communications secretary ay itong si Joseph Emilio “Jun” Abaya.
Ang ipinagmamalaki ni Jun Abaya ay ang kanyang pagiging graduate ng United States Naval Academy sa Annapolis.
Pero wala palang binatbat ang kanyang pagiging Annapolis graduate dahil maraming palpak sa Department of Transportation and Communications o DOTC.
Tingnan mo na lang ang ating mga airports: Walang air-conditioning system.
Dahil summer ngayon ay napakainit sa loob ng
ating mga airports.
Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals 1 and 3, nagmistulang oven ang loob ng mga ito.
Pawis na pawis ang mga pasahero habang nagpapa-book ng flight o habang hinihintay ang kani-kanilang mga flights.
Noong Holy Week, pumunta si Pangulong Noy sa NAIA 1 at nasaksihan niya ang hirap na dinanas ng mga pasahero, pero di niya sinisi si Abaya.
Ang NAIA ay tinaguriang isa sa pinakawalang-kuwentang international airports sa buong mundo.
Pero walang ginagawa si Abaya sa masamang
reputasyon ng NAIA.
Ang Metro Rail Transit o MRT ay kulang sa coaches at trains kaya’t nagsisiksikan ang mga pasahero.
Pero walang ginagawa sa problema sa MRT si Abaya.
Nagalit pa nga ang taumbayan kay Presidential Spokesman Sonny Coloma dahil sinabi sa mga pasahero na kung nagmamadali sila, bakit di na lang sila sumakay ng bus, jeepney o taxi?
Ganoon ang mga tauhan ni P-Noy — sila’y mga arogante at hindi sila pinagagalitan ng pangulo.
Noong pumunta si
PNoy sa NAIA 1 noong Holy Week, wala si NAIA general manager Jose Angel Honrado dahil may sakit daw ito.
Si Honrado ay gaya ni Abaya; pareho silang inutil.
Hindi mapatalsik ni
PNoy sina Abaya at Honrado dahil si Abaya ay kanyang kapartido, samantalang itong si Honrado naman ay kanyang kamag-anak.
Nabalitaan ng inyong lingkod na isasailalim sa quadruple heart bypass si Honrado.
Hindi niya kasi kaya ang pressure ng kanyang trabaho sa NAIA.
Pero ayaw mag-resign nitong si Honrado.
Dinadadala niya ang mga papeles na kanyang lalagdaan sa ospital.
Bakit ayaw niyang magbitiw samantalang baka mategok siya kapag nagpatuloy siya?
Hindi kaya dahil sa
P1 milyon na intelligence fund na natatanggap ng NAIA general manager kada buwan?
Ang intelligence fund kasi ay hindi ina-audit. Kahit anong gawin ng opisyal na may hawak nito ay hindi siya makukuwestiyon; puwede niyang sarilinin ang intelligence fund.
Balik tayo sa kapalpakan ni Abaya.
Bakit di niya mapalamig ang mga airports sa bansa samantalang sinisingil ang bawat pasahero na sumasakay ng airport fee?
Saan napupunta ang airport fee?
Nasa Puerto Princesa City ang inyong lingkod at napagmasdan ang hirap na dinanas ng mga pasahero sa Puerto Princesa international airport terminal building.
Napakainit po, sobra-sobra. Akala ko ay may hinimatayin sa init.
Dahil delayed ang aking flight patungong Maynila, masuwerte ako at nakalabas ako sa airport at nagliwaliw muna sa siyudad upang magpalamig.
Pero kawawa ang mga pasahero na karamihan ay mga foreign tourists.
Nahiya ako sa aking sarili dahil ako’y Pinoy.
Alam ba ninyo na noon palang araw yun ng Linggo, habang naghihirap ang mga pasahero sa init, si Palawan Gov. Jose “Pepito” Alvarez ay nag-utos ng kanyang mga tauhan na lagyan ng air-conditioning system ang Puerto Princesa airport terminal?
Nasa taas ng bubong ang mga tauhan ni Alvarez at pinaplasta na ang 12-toneladang airconditioning system.
Ang pera na ginamit ng bilyonaryong si Alvarez ay nanggaling sa kanyang
sariling bulsa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.