Alice, Jackielou pinaiyak si Sarah Lahbati
NAGING emosyonal ang Kapuso star na si Sarah Lahbati sa presscon ng kauna-unahan niyang project for TV5, ang More Than Words. Naiyak si Sarah sa magagandang sinabi sa kanyang performance ng co-stars niya sa made-for-TV film na sina Alice Dixson at Jackielou Blanco.
Sey kasi ni Alice sa acting ni Sarah, “Ah, for me, Sarah was a revelation kasi I never worked with her before and hindi ko talaga siya kilala when I got back. I was on my own TV5 world.
So, when she crossed over for this project sabi ko mabigat ‘yung role nu’ng nakaeksena ko na siya she delivered. “I don’t want to put my expectation high kasi, I don’t know her, e. Pero when she delivered…she delivered.
So, nagulat ako and I mentioned nga kanina to other members of the media here, she was delightful surprise and it’s not a secret,” sabi ni Alice.
In-acknowledge naman ni Sarah ang husay ni Alice sa mga eksena nila kaya naka-arte din siya, “Uh, alam ko hindi naman po madaling gumawa ng eksenang mabigat unless may kasama kang aktres at aktor na magaling, na maapektuhan ka, so, ganito po ang nangyari rito.
“Marami ping mabibigat na istorya na totoo namang nangyari at nu’ng taping talagang totoo ‘yung mga emosyon na lumabas dahil sa husay ng mga kasama ko rito, si Ate Alice, Tita Jackielou, Sir Ariel (Rivera) and Carl (Guevarra).
It was a pleasure working with everyone,” sabi ni Sarah.Para na rin daw refreshment course kay Sarah ang More Than Words na Mother’s day presentation ng TV5 sa Linggo at 8 p.m..
At tulad ni Alice, first time rin nakatrabaho ni Jackielou si Sarah. Pero napanood na raw noon ni Jackielou si Sarah with her boyfriend na si Richard Gutierrez sa isang GMA drama show na dinirek naman ng mister niya dati na si Ricky Davao.
“Sabi ko, ‘Aba, malalim ang batang ‘to.’ Kumbaga, meron talaga akong nararamdaman, ika nga. Every time I watch her I would feel for her I could feel her. I’m very excited to be working with her.
And like Alice said, she’s a very sensitive actress. Ah, you give her a little bit pero iba ang ibabalik niya sa ‘yo, ganoon kalaki,” pahayag ni Jackielou.
Dito na bumagsak ang mga luha sa mata ni Sarah na habang pinagmamasadan namin ay kahawig pala ng bida sa “The Hunger Games” at bilang si Mystic sa “X-Men” na si Jennifer Lawrence.
“Nakakataba lang po ng puso. Grabe ang mga compliments na binigay sa ‘yo, sa hardwork na ginagawa mo and para sa lahat ng artista. Syempre hindi naman madali ‘yung taping so, nakakataba ng puso kapag binibigyan ka ng compliment sa hardwork na ginagawa mo.
Special ang project na ‘to dahil lahat kami inubos namin ang lahat na maibibigay namin dito,” kasunod ang paghingi niya ng pasensya sa kanyang pag-iyak.
It was TV5’s executive head for entertainment na si Wilma Galvante ang pumisil kay Sarah na magbida for the drama show at kunin from GMA to TV5 ayon sa Business Unit Head ng show na si Camille Montano.
“Kinausap ni Ma’m Wilma ang GMA Artist (Center) kung pwedeng ipahiram si Sarah. So, mabait naman ang GMA. Tapos nagandahan naman sila du’n sa material kaya pinayagan nila si Sarah.
Gaya rin nu’ng nangyari kay Bianca (King). Kasi prior to that, kinuha na rin ng TV5 si Bianca at pinahiram ng GMA 7,” pahayag pa ni Ms. Camille.
( Photo credit to sarah lahbati official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.