Hula ni Greenfield ( Bandera resident psychic ): Kasal ng taon: Vic and Pauleen
Ni Joseph Greenfield
Bandera resident psychic
Ikalimang serye
SINA Vic Sotto at Pauleen Luna ay magpapakasal na sa huling quarter ng taon.
Magaganap ang isang bongga at marangyang kasalan sa Tagaytay, tulad ng isang simple pero magarang garden wedding ng taon.
Mangyayari iyon sa sandaling si Pauleen Luna ay mapapabalitang buntis ng apat na buwan sa kanilang unang magiging supling.
Pagkatapos ng matagumpay na pelikula ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, sa kalagitnaang hati ng taon, sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto, sasansalain ng nagliliyab na bunganga ng Dragon ang kanilang relasyon, mapapabalitang hiwalay na ang mag-asawa, at kung hindi magpapakatatag, posible ngang tuluyan nang magkahiwalay.
Kasabay nito, kahit magpakatatag pa, ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago ay tuluyan nang maghihiwalay ng landas sa taon ding ito ng 2012, sa buwan ng Agosto hanggang Oktubre, sa mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, sa araw ng Lunes, Martes at Miyerkules
.
Matapos ang matagumpay na pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Gov. ER Ejercito, gaganahan siyang gumawa ng isa pang de kalidad na pelikula, hanggang sa bandang huli ay papasok na rin siya sa arena ng politikang pambansa, kakandidatong senador, ngunit sasansalain ito ng nagliliyab na bunganga ng Dragon.
Hindi siya makakaupo bilang senador.
Bago matapos ang taong ito, sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre si Marian Rivera ay tuluyan nang mabubuntis kaya mapipilitan silang magpakasal ni Dingdong Dantes sa ibang bansa, ngunit, kung hindi mag-iingat, maaring makunan o malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.
Kung makakaraos sa nasabing pagsubok na hatid ng nagliliyab na bunganga ng Dragon, sigurado namang magkakaroon sila ng maligaya at panghabambuhay na pagsasama.
Sa huling hirit ng taon, sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, si Kris Aquino ay biglang mawawala sa showbiz, palihim na magpupunta sa ibang bansa kaya paghihinalaan siyang buntis gawa ng isang sikat na broadcaster.
Sa umpisa, ikakaila niya ang pangyayaring ito, ngunit sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, aaminin niya ang pakikipag-relasyon sa nasabing sikat na personalidad.
Sa buong taon, ang tatlong pangunahing television stations na GMA, Channel 2 at Channel 5 ay patuloy sa kanilang pagtutunggali, ngunit bago matapos ang taon, biglang papanaw ang isa sa mga pundador ng isa sa tatlong television network, magiging daan, upang tuluyan nang humina at pumangit ang kalidad ng kanilang mga palabas, kaya bago matapos ang taon, babalik uli sa dalawang television stations ang maglalaban.
Ang pagkamatay ng nasabing “sikat at pundador” ay ipagluluksa at ikagugulat ng buong bansa, na nakatakdang maganap sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 5, 14, at 23, sa araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.