Ni Jobert Sucaldito
NGAYONG araw ang alis ni Mama Guy (Ms. Nora Aunor) papuntang Boston, USA dahil sa Jan. 9 na ang schedule ng kanyang operasyon sa lalamunan. Sana’y magamot na nga ang throat ni Mama Guy para maibalik na ang kanyang golden voice.
After ng operasyon, magpapahinga lang muna si Mama Guy sa States ng isang buwan bago ito bumalik ng Pinas to resume her work sa TV5. Dito naka-focus ang atensiyon ni Mama Guy sa kasalukuyan kaya let’s all pray na gumaling nga siya. Pag gumaling ang Superstar, malamang na tuloy na ang matagal nang pinapangarap ng kanyang milyon-milyong mga fans na isang bonggang birthday concert come May hopefully sa Smart Araneta Coliseum. Kaya God, please help Mama Guy.
“Tuwing nanonood ako ng mga concert ay inggit na inggit ako sa mga singers na kay gaganda ng mga boses. Naiiyak na lang ako pag-uwi ko ng bahay at sinasabi ko sa sarili kong, ‘Ganyan din ako dati, ah’. Nakakalungkot pero ganoon talaga, may mga bagay-bagay sa buhay nating hindi natin hawak. Pero may awa ang Diyos, sana ay maibalik Niya ang dati kong boses. Ipagdasal n’yo po ako,” lambing ni Mama Guy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.