‘Matinding magwala si Claudine, si Raymart lang ang nakakapigil!’ | Bandera

‘Matinding magwala si Claudine, si Raymart lang ang nakakapigil!’

Cristy Fermin - May 04, 2014 - 03:00 AM


Maligalig ang takbo ng relasyon nina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Sino nga ba ang mag-aakala na ang matindi nilang pagmamahalan na humantong sa altar ay magkakaganito lang pala ang resulta pagkatapos nang ilang taon?

Nagbabatuhan sila ng masasakit na salita ngayon, turuan sila nang turuan kung sino sa kanilang dalawa ang nagkulang, walang may gustong umamin at magpakumbaba sa kanilang dalawa ngayon.

Sa pinakahuling balita na naglabas na ng resolusyon ang piskalya ng Marikina City tungkol sa kasong R.A. 9262 na isinampa ni Claudine laban sa ama ng kanyang mga anak ay nagugulat ang kampo ng aktor.

Sa kabila raw ng mga tumayong saksi na nagsabing gawa-gawa lang ni Claudine ang mga akusasyon niya laban kay Raymart ay napaniwala pa rin ng aktres ang piskalya na siya ang nagsasabi ng katotohanan.

Nu’n pa idinidiin ng panig ni Raymart na ang mga pasang ipinakikita ni Claudine ay dahil sa pagpigil ng aktor kapag nagwawala ang misis nito.

“May mga pagkakataon kasing nagwawala talaga si Claudine, kailangang may pumigil sa kanya, si Raymart ang gumagawa nu’n. Matindi kasing magwala si Claudine, hindi siya kaya kahit ng dalawang babae kapag parang naghuhuramentado na siya, si Raymart ang pumipigil sa kanya,” kuwento ng isang impormanteng manghang-mangha rin sa ipinalabas na resolusyon ng piskalya ng Marikina.

Pipiyansahan ni Raymart ang kasong isinampa ni Claudine laban sa kanya, gugulong ang imbestigasyon at pagdinig sa korte ng kaso, kailangan nating abangan kung ano ang nakatakdang mangyari sa away ng mag-asawa.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending