Anak ni Ai Ai bumagsak sa audition sa PBB | Bandera

Anak ni Ai Ai bumagsak sa audition sa PBB

Reggee Bonoan - May 03, 2014 - 03:00 AM


SAYANG at hindi nakadalo si Ai Ai delas Alas sa launching ng ineendorso niyang Laminine food supplement distributed ng LifePharm Global Network, para sana naklaro ng ang tsikang hindi nakapasa ang panganay niyang si Sancho sa audition ng Pinoy Big Brother All In.

Tanda namin, nabanggit nga ng nanay-nanayan ni Anne Curtis sa fantaseryeng Dyesebel na sasali nga raw ang anak niyang si Sancho sa pagbubukas ng bagong season ng PBB.

At sa isang event ay nabanggit ng ilang katoto na hindi nga raw pumasa si Sancho sa audition. Kaya pala nu’ng ipakilala na ang mga housemate ng PBBAI ay maraming nag-text sa amin kung nasaan na si Sancho bagay na hindi namin sinagot dahil wala naman kaming alam.

Ilang araw na rin naming tine-text si Ms. A pero hindi naman kami sinasagot dahil nasa Amerika raw siya dahil dumalo siya sa debut party ng nag-iisang anak na babae na si Sofia.

As of this writing ay wala kaming ideya kung dumating na si Ai Ai dahil nang tanungin namin ang staff ng Dyesebel kung nakabalik na siya sa taping ay hindi pa raw.

Samantala, maganda ang pangangatawan at hindi na masyadong nahahapo ngayon sa pagod si Ai Ai dahil sa maintenance niya at isa nga ang Laminine sa iniinom niya na gawa sa ProtoEmbryonic Stage Extract, OPT9 (fert eggs extract), Plant Protein (yellow pea plant) at Marine Protein from Shark Cartilage. and sec, 4 demonstrations tulad ng Billiard, Futsal, Wushu at Wrestling at 2 special games na Bocce at Goatball.

Magsisilbing hosts naman sina TV Patrol showbiz correspondent Ginger Conejero at ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng.

( Photo credit to aiai delas alas official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending