DEAR Aksyon Line:
Ako po ay isang OFW sa Saudi Arabia. Nag-umpisa akong magtrabaho doon Oct. 2, 1995. Pabalik-balik ako doon.
Noong isang taon, umalis ako uli. Oktubre bumalik ako, limang buwan lamang ako doon.
Pinauwi ako ng amo kong matanda, na siyang nakapangalan sa aking kontrata. Gusto nila akong ilipat sa anak nila na lalaki pero ayaw ko.
Ngayon po sa pag-uwi ko dito sa Pilipinas, nagpunta ako sa OWWA. Gusto ko sana mag-file ng loan pandagdag ko sa konting capital ko sa tindahan pero hinarang ako sa security at ang sabi ay ang mga OFW na umuuwi na mga may kapansanan lang ang pwedeng mag-loan.
Magtanong po sana ako sa inyo. Pwede po ba akong makapag-loan sa OWWA at sa POEA? Meron akong ID as member sa OWWA. Sana po matulungan ninyo ako.
Umaasa po ako sa inyong tugon. Salamat po.
Marina M. Tagua, 58, Purok San Lorenzo Ruiz, Buhangin, Davao City
REPLY:
Dear Ms. Marina Tagua
Sa pagkakaintindi namin sa inyong sulat, kayo ay napauwi ng mas maaga kaysa sa itinakda ng inyong kontrata dahil sa rason na inyong binanggit.
Sinabi niyo rin na kayo ay nagpunta sa OWWA para mag-file ng loan bagamat hindi niyo nabanggit kung saang regional office.
Iinumungkahi po namin na kayo ay makipag-ugnayan sa Reintegration Unit ng OWWA Regional Welfare Office 11 tungkol sa Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay Program para sa mga member-OFWs na napauwi at hindi nakatapos ng kontrata.
Ang OWWA Regional Welfare Office 11 ay nasa Doors 31, E-G, GB Cam Bldg., Monteverde Street, Davao City 8000. Ang kanilang contact numbers ay (082) 3009273 / 2279536.
Maraming salamat!
ADVOCACY AND SOCIAL MARKETING DIVISION (ASMD)
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Tel. No. (632) 891-7601 loc. 5414, 5603 or (632) 891-7741
Email address: [email protected]/ [email protected]
Website: www.owwa.gov.ph
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.