3-2 lead nasungkit ng Spurs, Raptors | Bandera

3-2 lead nasungkit ng Spurs, Raptors

- , May 02, 2014 - 12:00 PM

SAN ANTONIO — Ilang oras matapos isilang ang kanyang panganay na anak ay binuhat ni Tony Parker ang San Antonio Spurs sa 109-103 panalo kontra Dallas Mavericks kahapon sa first-round series ng NBA Western Conference Playoffs.

Umiskor si Parker ng  23 puntos habang gumawa naman ng 19 si Manu Ginobili. Nag-ambag din ng 17 puntos at 12 rebounds si Tiago Splitter para sa top seed Spurs na nabawi ang home-court advantage sa Mavericks.

Si Tim Duncan ay may 16 puntos at 12 rebounds at si Kawhi Leonard ay may 15 puntos para sa Spurs.

Ang hero ng Mavericks sa Game Four na si Vince Carter ay gumawa ng 28 puntos sa 10-for-16 shooting mula sa field para sa Dallas. Maganda rin ang nilaro ni Dirk Nowitzki na nagtapos na may 26 puntos sa 10-for-20 shooting pero kinapos sila ng suporta mula sa iba pang starters.

Naglaro nang puyat si Parker matapos na isilang ng fiancee niyang si Axelle Francine ang anak na si Josh sa umaga ng laro.

Ang Game 6 ay itinakda bukas sa Dallas.

Raptors 115, Nets 113
Sa Toronto, gumawa ng career playoff-high 36 puntos si Kyle Lowry kabilang ang 3-pointer na nagbigay sa Raptors ng panalo at ng 3-2 bentahe sa serye.

Lumamang ng 26 puntos ang Toronto sa umpisa ng ikaapat na yugto ngunit unti-unti itong nabura ng Brooklyn na muntik pang manalo sa laro.

Nagdagdag naman ng 23 puntos si DeMar DeRozan at umiskor ng pinagsamang 31 puntos sina Jonas Valanciunas (16) at Greivis Vasquez (15) para sa Raptors, na nangangailangan na lamang ng isang panalo para makasagupa ang Miami Heat sa susunod na round.

Ang Game 6 ay gaganapin bukas sa Brooklyn.

Ang Nets ay pinangunahan ni Joe Johnson na may 30 puntos.

Rockets 108, Blazers 98
Sa Houston, kumulekta ng 22 puntos at 14 rebounds si Dwight Howard habang gumawa ng 21 puntos si Jeremy Lin mula sa bench para makaiwas ang Houston Rockets sa maagang eliminasyon kahapon.

Abante pa rin sa serye ang Trail Blazers, 3-2, at ang Game 6 ay itinakda bukas sa Portland.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakalapit sa dalawang puntos ang Trail Blazers sa tinirang basket ni Damian Lillard ngunit sinagot ito ni James Harden ng isang step-back triple para umangat sa 103-98, tatlong minuto na lang ang natitira sa laro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending