Elmo, Janine maghihintay pa ng 3 taon bago maging magkarelasyon
IBANG-IBANG Elmo Magalona ang humarap sa ilang member ng media nang dumalaw kami sa taping ng Villa Quintana sa Baliuag, Bulacan sa imbitasyon ng GMA Corporate. Communication.
Kung dati’y nahihirapan siyang magsalita about his personal life, aba’y siya pa ngayon ang nagboboluntaryong magkuwento sa amin sa ilang kaganapan sa buhay niya, including his romance with his leading lady Janine Gutierrez.
Nagkataon pa na a day after pa lang ng birthday ng mas gumuwapo at mas naging lean na Kapuso actor (April 27 ang birthday niya) kaya’t nagpakain ito sa set para sa buong produksyon ng kanilang soap na nasa week 24 na pala.
“Just sharing my blessings and happiness. Masaya lang po talaga,” sey nito sa amin habang sa bawat sagot niya ay para bang nanghihingi siya ng suporta at ayuda mula kay Janine.
Though wala pang pagkumpirma sa parehong panig kung sila na nga, malinaw na higit pa sa friendship ang namamagitan sa kanila. “Masaya pong gumising araw-araw at magtrabaho ng magaan at may focus.
Mga ganyang epekto ang naibigay sa akin ni Janine,” hirit pa ng 20-anyos na binata. “Maybe in 3 years?” patanong nitong sagot sa aming pang-iintriga kung magiging couple ba sila in real life.
Positive rin ang naging sagot ng dalaga nina Lotlot de leon at Ramon Christopher na si Janine who also admitted na kakaiba ang pakiramdam niya ngayon with Elmo, who’s four years younger than her.
Sinabi pa ng napakagandang dalaga na Ateneo graduate pa na mas malalim ang bonding nila dahil sa napakaraming bagay na halos gusto nilang gawin together like yung hilig nila sa music, movies, songs, dreams sa buhay, family values at kahit na religion.
“Masaya rin po at nakaka-inspire. One moment at a time lang para maayos,” sey pa ng dalaga na kinarir pa ang paghahanap ng size 10 shoes na gustong-gusto ni Elmo as birthday gift.
Kung meron daw silang ikinatutuwa bukod sa pagiging compatible sa isa’t isa ay yung nagta-transform daw sa Villa Quintana roles nila ang totoo nilang mga emosyon.
“Na sa buhay, yung pag-discover ng kaligayahan ay nakabase sa kung paano ka hinubog ng pamilya mo, biological man sila o sila yung nag-fill ng love sa iyo at sa mga desisyong napapanindigan mo,” komento ng dalawa sa amin.
Kung nanggaling man yun sa mga roles nila bilang sina Isagani at Lynette, tiyak na marami ang maaaliw lalo pa’t balitang mae-extend pa ito dahil sa pagrampa nito sa ratings ng bongga tuwing hapon sa GMA 7.
In fact, kahit ang bagong pasok sa soap na si Joyce Ching ay naniniwalang magtatagal pa ang soap dahil aniya, “Super late nang pumasok ang role ko at parang ang dami-dami pang developments na mangyayari.”
Nakita rin namin sa set ang iba pa nilang kasama sa soap gaya nina Al Tantay, Dexter Doria, Rita de Guzman, Katya Santos at iba pa. Sandaling nakipag-kumustahan sa amin si direk Gina Alajar pero nang ma-sense nitong may baon kaming intriga sa isyu ng anak na si Geoff Eigenmann at ni Carla Abellana ay hindi na ito nagpakita uli sa amin.
Ha-hahaha!! Balitang nagbisi-bisihan din si Paolo Contis dahil kahit nu’ng mag-asalto para sa birthday ni Elmo ay no-show rin ito. Ha-hahahaha!!!
( Photo credit to elmomagalonafanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.