Daniel: Ayokong magpakaplastik para magustuhan nila ako! | Bandera

Daniel: Ayokong magpakaplastik para magustuhan nila ako!

Ervin Santiago - May 01, 2014 - 03:00 AM


KUNG mabibigyan sila ng chance ni Daniel Padilla, gustung-gusto raw ni Kathryn Bernardo na makapasok sila ng Bahay Ni Kuya kahit ilang araw lang.

Sey ng Teen Queen ng ABS-CBN, matagal na nilang pangarap ni Daniel na maging PBB housemate, at kung papayag daw ang Star Magic, type nilang makigulo sa mga bagong housemates ni Kuya kahit 10 araw lang.

“Gusto namin kung papayagan kasi nga may movie ngayon. Siguro mga four days maximum hindi forever, Gusto ko talaga,” chika ni Kathryn nang makorner siya ng entertainment press pagkatapos ng press launch para sa bago niyang endorsement, ang Ruffles Bags na ginanap sa SM Makati.

Napanood daw kasi ni Kathryn ang PBB pilot episode noong Linggo at na-shock siya nang makita ang kanyang kasamahan sa Star Magic na si Jane Oineza na isa nga sa napiling housemate sa PBB All In.

Ang isa pa sa 18 housemates na pumasok sa Bahay Ni Kuya ay isang die hard fan ni Daniel, si Loisa Andalo, na member din ng girl group na 3G.

“Sabi ko, ‘Hala baka pumasok si DJ sa loob ng bahay.’ Sabi ko gusto ko din. Ever since dream ko pumasok sa PBB house. Tapos ngayon kasama pa si Jane. At nakakatuwa kasi may isang housemate na fan ni DJ, so nakakatuwa,” pahayag pa ng dalaga.

Kagabi ginanap ang “DOS” concert ni Daniel sa Araneta Coliseum at isa nga si Kathryn sa special guests ng Teen King ng ABS. Pagkatapos nito, magre-resume na sila ng shooting para sa susunod nilang pelikula na “She’s Dating The Gangster” under Star Cinema.

In fairness, nagpapadamihan din ngayon ng endorsement ang magka-loveteam. Kung kaliwa’t kanan ang TV commercial ni DJ, hindi rin patatalo si Kathryn.

Ang latest nga ng dalaga ay ang Ruffles Bags na available sa SM Department stores. Ayon kay Kathryn, tinanggap niya ang nasabing endorsement dahil mahilig talaga siya sa mga kikay at fashionable na bags, including backpacks.

Bagay na bagay daw ito sa kanyang personality.  Sabi naman ng mga taong nasa likod ng nasabing brand, wala na silang maisip na local celebrity na perfect sa kanilang produkto.

Nakita raw kasi nila kay Kathryn ang mga qualities na swak na swak sa Ruffles. “She embodies the spirit of the brand, which highlights individuality and self-expression,” sabi ni Selwyn Ching, brand manager ng nasabing brand.

Sa nasabing presscon, tinanong din si Kathryn kung ano ang komento niya sa mga bashers ni Daniel na nagsasabing may attitude din ang binata kapag naba-bad trip sa buhay.

“Ano siya, ano kasi si DJ, kung ano ang nararamdaman niya, ganoon ang sasabihin niya. Ganoon siya makipag-usap sa mga tao at ayaw niya ng masyadong seryosong usapan,” pagtatanggol ni Kath.

“Nami-misinterpret lang siya ng ibang tao pero madali mong mamahalin at maging kaibigan ‘yung tao kapag nakilala mo. Ako din naman,  minsan nami-misinterpret nila ako, pero ganoon talaga,” aniya pa.

“Sa akin basta gusto ko lang maging ako, ‘yung pinapakita ko sa interviews, lahat, ‘yun po talaga ako. Kaya masaya ako na tinanggap ako ng tao kung ano ako ngayon,” hirit pa ng dalaga.

Para naman kay Daniel, mahirap daw talagang maging role model ng kabataan, pero ginagawa naman niya ang lahat para maging magandang inspitasyon sa mga umiidolo sa kanila.

“Mahirap din minsan pero ayaw ko yung lumalayo na ako o nagpapakaplastik na ako sa sarili para lang magustuhan nila ako. Ayaw ko namang magpanggap na hindi naman ako ganoon.

Kung ayaw nila sa akin, bakit ko sila papansinin?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to danielkatfanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending