Last will dapat nakahanda palagi kapag nasa UAE | Bandera

Last will dapat nakahanda palagi kapag nasa UAE

Susan K - April 30, 2014 - 03:00 AM

MAY kaanak ba kayo na naninirahan sa United Arab Emirates?

Pinapayuhan kasi ang lahat na non-Muslim Filipinos sa UAE na dapat nakahanda sa lahat ng oras ang kanilang mga huling habilin sa pamamagitan ng isinulat na Last Will and Testament.

Ayon sa legal consultant ng UAE na si Barney Almazar, iba ang batas ng UAE pagdating sa mga mana o maiiwanan ng mga mahal sa buhay sa sandaling pumanaw ito.

Masaklap ang maaaring mangyari kung walang Last Will dahil ibibigay ito sa tinatawag nilang forced-heirship na paborable sa mga kalalakihan.

Sa kultura ng Pilipino, hindi halos pinag-uusapan ang isyu ng kamatayan. Iniiwasan pa nga ito.

Ngunit ipinapaalala ni Almazar na napakahalagang mayroon ang bawat Pilipinong expatriates na naroroon sa UAE at sundin ito dahil hindi ipinatutupad doon ang batas ng Pilipinas sa mga Pinoy.

Gayong may probisyon sa UAE Civil Code na ipatutupad ang national law sa namatay na expat, ngunit may nakasaad din umano doon na ang UAE law ang siyang dapat sundin, na tipong may pagkakasalungatan pa nga.

Pero anuman ang kanilang batas, kung may Last Will na nakahanda, maiiwasan ang kalituhan kung ano o aling batas nga ba ang nakasasakop sa mga ari-arian ng taong namatay.

Parehong sumasaklaw kasi ito sa tinatawag na mga moveable at immovable assets. Ang mga movable assets ay tulad nang mga sasakyan, alahas, shared stocks, cash at bonds. Kasama na rin dito ang end-of-service benefits at joint bank accounts.

Siguradong-sigurado naman tayo, lalo pa’t kung nagtatagal na sa ibayong dagat ang ating mga kababayan at kasama na rin ang kanilang mga pamilya, tiyak na may mga sariling sasakyan na rin sila doon at ilan pang mga tinataglay.

Kaya naman napakalaking problema pala ang idudulot nito sa mga maiiwanang kapamilya kung sakaling walang nakahandang Last Will ang ating mga kababayan.

Ang immovable assets naman ay ang mga real estate properties kung saan Shariah Law naman ang ipinaiiral.
Sa lahat ng usapin ng mga claim, napakahalagang tama palagi ang bawat spelling ng pangalan. Dito naman may paalala si Administrator Carmelita Ericta ng Philippine Statistics Authority, na maging maingat sa pagpaparehistro ng inyong mga pangalan tulad ng birth at marriage certificates.

Isang maling letra lamang sa spelling ng inyong mga pangalan ay maaaring mangahulugan ng pagkawala ng lahat ninyong ipamamana o mamanahin.

Dalawang buwan na ang nakararaan nang matapos ang kontrata ni Arvin Jay Ovalles sa Saudi Arabia. Pinaalis siya ng Paris International Agency. Hanggang ngayon wala pa ang plane ticket ni Arvin upang makauwi na siya ng Pilipinas.

Ngunit ang matindi pa rito, wala na nga siyang trabaho roon, dahil wala na ngang kontrata, kaya’t wala na rin siyang kinikita.

Ngunit ang pagkain pa niya sa araw-araw ay sagot na rin niya. Galing pa ito sa sariling bulsa. Na dapat responsibilidad pa rin sila ng kanilang kumpanyang Hamad Alzamih Constracting Est. sa Rastanura sa Saudi. Dapat bago magtapos ang kanilang mga kontrata, inihanda na nila ang plane ticket ng ating mga OFW.

Oobligahin naman ngayon ng POEA ang Paris agency na siya ang magpadala ng plane ticket ni Arvin sa lalong mada-ling panahon dahil pananagutan pa rin nila si Arvin anuman ang nangyari sa kaniyang pangingibang bayan.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM Address: 2/F MRP Bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0927.649.9870. Maaari ring mag-e-mail sa [email protected]/ [email protected]

 

 

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending