Obama ayaw ng conflict sa China
BAGAMAT suportado umano ng Estados Unidos ang Pilipinas, hindi naman tiniyak ni US President Barack Obama na kakampihan nito ang bansa sa sandaling mauwi sa matinding sigalot ang tensyon na namamagitan rito at ng China.
“Our goal is not to counter China. Our goal is not to contain China,” pahayag ni Obama sa ginawang joint conference nila ni Pangulong Aquino sa Malacañang kahapon matapos ang ilang minutong bilateral talks.
Iginiit ni Obama na suportado nito ang Pilipinas sa pagsasaayos ng sigalot sa China sa pamamagitan ng payapang paraan.
“Today we reaffirmed the importance of resolving territorial disputes in the region peacefully without intimidation or coercion.
And in that spirit supports [President Benigno Aquino III’s] decision to pursue international arbitration concerning territorial disputes in the South China Sea,” ayon sa pangulo ng Estados Unidos.
“Our goal is to make sure that international rules and norms are respected, and that includes in the area of maritime disputes,” dagdag pa nito.
Paliwanag pa nito na walang specific na posisyon ang US hinggil sa mga tensyon na nama-magitan sa ilang mga bansa. “We don’t even take a specific position on the disputes between nations but as a matter of international law and international norms we don’t think that coercion and intimidation is the way to manage these disputes.
Samantala, sa kanyang ‘thank you’ note sa opisyal guestbook ng Malacañang, nagpasalamat si Obama sa mainit na pagtanggap ng Pilipinas para sa kanyang dalawang araw na state visit.
Dumating si Obama sa NAIA pasado ala-1 ng hapon sakay ng Air Force 1, at dinala siya ng chopper na Marine 1 patungong Malacanang.
“I thank President Aquino and the people of the Philippines [for] welcoming me. The America’s oldest alliance in Asia always be renewed by our friendship and mutual respect,”sabi ng mensahe na inilagy ni Obama sa guestbook na ipinost sa Twitter at Facebook ni Aquino.
Seafood sa state dinner
Kagabi sa state dinner, mga putaheng seafood ang inihain sa state dinner na inihanda ni Aquino para kay Obama. Kasama sa mga putaheng inihanda ng Shangri-La ay ang lobster mula sa Guimaras island, na ayon sa chef nito ay “best lobster in the country.”
Kasama sa inihain ay lapu-lapu na nilagyan ng pili nuts at pochero na sinangkapan ng shell fish. Para naman sa dessert, inihain ang mga mangga mula sa Guimaras at buko lychee ice cream.
EDCA nilagdaan
Bago pa dumating sa bansa si Obama ay nilagdaan kahapon ng umaga ng Pilipinas at Estados Unidos ang kasunduang magbibigay-daan sa pagpasok ng karagdagang tropa at kagamitan ng US military para sa susunod na 10 taon, sa gitna ng patuloy na agawan sa teritoryo ng bansa at ng China.
Pinirmahan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador Philip Goldberg ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Camp Aguinaldo alas-10 ng umaga, ilang oras lang bago dumating sa bansa si Obama.
Napagkasunduan ang EDC eksakto 30 araw matapos subukang pigilan ng China ang isang barko ng Pilipinas na magdala ng suplay sa mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa Ayungin Shoal, na nasa pinag-aagawang West Philippine Sea.
US bases pinabulaanan
“Defense and security challenges have become more complex, both the Philippines and the United States have realized the utility of having an agreement that would further enhance our ability to face those complicated challenges,” sabi ni Gazmin sa talumpati matapos lumagda.
Ayon naman kay Goldberg, matutulungan ng kasunduan ang Armed Forces of the Phlippines na magkaroon ng karagdagang kakayanan sa maritime security, maritime domain awareness, at humanitarian assistance, pati na sa modernization.
“While that captures the essence of what we will do, I want to reiterate what it will not do, it will not reopen US bases,” ani Goldberg.
Sa ilalim ng EDCA, ang US troops ay maaring magtayo ng pasilidad, mag-upgrade ng imprastruktura, at magdala ng kagamitan maliban sa nuclear weapons.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.