Suspek sa Ramgen-Janelle sex video hinahanting na | Bandera

Suspek sa Ramgen-Janelle sex video hinahanting na

- January 03, 2012 - 01:28 PM

Pamilya Bautista nga ba ang may pakana?

MAKAAPEKTO nga kaya ang kumakalat na sex video raw nina Janelle Manahan at Ramgen Revilla (RIP) sa internet sa paglutas ng mga awtoridad sa brutal na pagpaslang sa huli noong nakaraang taon?

Ito’y matapos ding aminin diumano ng kampo ni Janelle siya nga at si Ramgen ang nasabing video scandal.

Ayon sa makarating sa ating chika, talaga raw nag-iiyak si Janelle nang malamang kumakalat na sa mga social networking sites ang nasabing video kung saan nga mapapanood ang intimate moments nila ng yumaong boyfriend.

Say ng kampo ni Janelle, posibleng ang pamilya raw ni Ramgen ang nasa likod ng pagpapakalat ng video.

Balitang may namba-blackmail daw kay Janelle, at isa raw ito sa mga kapatid ni Ramgen.

Feeling ng kampo ni Janelle, gustong sirain ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng nasabing sex video dahil sa kanyang pakikipaglaban sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ni Ramgen.

Ngunit sa kabila nito, nagpakita pa rin daw ng katapangan si Janelle at desidido pa ring tumestigo sa kaso ni Ramgen.

Hindi raw ang isang sex video lang ang makapagpapabago ng kanyang desisyon na tulungan ang mga awtoridad para matukoy ang mga taong nasa likod ng pagpatay ng kanyang boyfriend.

Dinenay naman ng pamilya ni Ramgen na sila ang nasa likod ng pagpapakalat ng sex video.

Hindi pa naman daw sila sigurado kung si Ramgen lang ang may kopya ng nasabing video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, marami ang humikayat kay Sen. Bong Revilla, kapatid sa ama ni Ramgen na pamunuan ang imbestigasyon sa sex video raw nina Janelle at Ramgen, para matukot kung sino talaga ang nasa likod ng pag-a-upload nito sa internet.

Kung matatandaan naging palaban ang senador noon sa pagtatanggol kay Katrina Halili matapos kumalat ang sex video nila ni Hayden Kho. Bukod dito, si Sen. Bong din ang isa sa mga authors ng Anti-Voyeurism Act sa Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending