Ic Mendoza ayaw magdyowa ng tunay na lalaki: Mas gusto ko kasi bakla rin!
TULAD ng isang brand ng softdrink, zero raw ang lovelife ng TV host-aktor na si IC Mendoza. Last year pa siya walang boyfriend. Kumota naman daw kasi siya nu’ng 2011 hanggang 2013 dahil naka-focus lang siya noon sa kanyang lovelife.
“Hindi ako nabakante sa lovelife ko during that time. Tapos for a while nabakante ang career ko kasi nga wala akong ginagawa sa TV5. Tapos wala pang, hindi pa ako bumabalik sa PR. Sabi ko, hindi.
Focus muna ako sa career, ang clichè di ba, ang showbiz,” kasunod ang tawa ni IC. Pero inamin niya na nakikipag-date siya at kung may dumating para sa kanya, why not nga naman, di ba? Australian ang last boyfriend ni IC.
“Kung may lalaki why not? Pero ngayon wala namang prospect. I mean, nagdi-date ako pero wala pa talagang sobrang katapat nu’ng last ko or mas higit pa,” sey niya.
At ‘pag may boyfriend ulit siya, hindi raw siya maga-ala Vice Ganda na itatago, “Ano naman, e ang mga ex ko, mga beki rin. Hindi ako nagdyodyowa ng straight. Wala lang. Ayoko ng straight. Hindi ko alam kung bakit,” esplika ni IC.
He has nothing against daw sa nagbo-boyfriend ng straight pero feeling niya kapag beki sa beki parang mas may future, mas tumatagal. Kaya naman pasok din sa kanya ang ideya na magpakasal sa boyfriend na beki, if ever.
“Pero kailangan ano, okey na lahat o maging super yaman ang dyowa ko, okey na ako,” ngiti niya. Basta sa ngayon, he’s passionate about his acting although mas hilig daw niya talaga ang hosting and PR gaya ng hina-handle niya ngayon na Miss Teen Earth at Little Miss Earth na gaganapin ang grand pageant night on May 27 sa SM Mall of Asia Arena at may delayed telecast sa GMA 7on June 8.
“Happy kami kasi tapos na ‘yung regional auditions. Ngayon is makikilala natin ‘yung 20 Little Miss Earth and 20 Miss Teen Earth na maglalaban-laban sa May 27.
Sila ‘yung official contestants,” sabi niya nu’ng makausap namin sa elimination round na ginanap sa Manila Ocean Park.
Hinahanda na ng production nila sa pangunguna ng trademark owner nila na si Vas Bismark ang mga magaganap sa grand pageant night.
Kinukuha raw nila si Ryan Agoncillo at Heart Evangelista bilang hosts ng pageant. Habang ang former Bb. Pilipinas-Universe naman na sina Venus Raj at Shamcey Supsup-Lee ang magiging anchors.
“Maraming palaban. Meron akong bet pero ayokong sabihin. Ayaw kong maging bias. Ang daming mga palaban like sa Cebu. Of course, Manila. Pero nakakagulat sa Cebu. Pageant-ready sila lahat and surprisingly, Pampanga rin.”
Say naman ni Vas sa amin, more or less 800 ang nag-audition sa kanila all over the country. Sad to say, marami ang hindi nakapunta ng Manila na napili nila mula sa mga probinsya.
“Kasi ‘yung iba walang budget pero gusto rin naman nila. ‘Yung iba taga-Cagayan. Taga-Davao. ‘Yung 40 grand finalist lang talaga ang sasagutin namin.
Nag-provide naman kami ng official letter that they could ask their local governments. ‘Yung iba na nakakuha pero at their own personal efforts,” pahayag ni Vas.
( Photo credit to vicegandafanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.