Clippers, Grizzlies, Hawks nakuha ang 2-1 series lead | Bandera

Clippers, Grizzlies, Hawks nakuha ang 2-1 series lead

Melvin Sarangay - April 26, 2014 - 03:00 AM


ATLANTA — Tumira si Jeff Teague ng krusyal na 3-pointer sa huling bahagi ng laro habang tinapos ni Kyle Korver ang pagbangon ng Indiana para pangunahan ang Atlanta Hawks sa 98-85 pagwawagi kahapon at makuha muli ang series lead kontra sa top-seeded Pacers.

Parang hindi naglaro bilang No. 8 seed ang Hawks matapos na makontrol ang laban sa ikatlong yugto — ang pinakakrusyal na yugto sa lahat ng tatlong laro — at mapigilan ang pagtatangka ng Pacers na makabangon para kunin ang 2-1 abante sa best-of-seven series.

Ang Game 4 ay gaganapin bukas sa Atlanta. Angat ang Hawks sa iskor na 84-78 habang papaubos ang shot clock nang tumira si Teague ng running shot mula sa wing — kung saan mukhang tumapak ito sa sideline.

Na-counted naman ang kanyang tira kahit na nagkaroon ng video review matapos nito. Siniguro naman ni Korver ang panalo ng Hawks matapos ipasok ang ikaapat niyang tres para umangat ang Atlanta sa 92-80 may 1:41 ang nalalabi sa laro.

Si Teague ay umiskor ng 22 puntos habang si Korver ay nag-ambag ng 20 puntos para pamunuan ang Hawks, na mukhang naglalaro na may kumpiyansa at angas laban sa Pacers na nahihirapang mabawi ang magandang porma na ipinakita nito sa halos kabuuan ng season.

Si Lance Stephenson ang nanguna para sa Pacers sa kinamadang 21 puntos habang nagdagdag si Luis Scola ng 17 puntos mula sa bench. Nalimita naman si Paul George sa 12 puntos mula sa 3-of-11 shooting.

Grizzlies 98,  Thunder 95 (OT)
Sa Memphis, Tennessee, kinamada ni Mike Conley ang lima sa kanyang 20 puntos sa overtime para ihatid ang Memphis Grizzlies sa 2-1 series lead.

Napanalunan naman ng Grizzlies ang ikalawang sunod na overtime game matapos na sayangin ang kalamangan sa ikaapat na yugto. Nakalamang sila ng 17 puntos bago nanlamig sa halos huling 7:43 ng regulation.

Siniguro ni Courtney Lee ang panalo ng Grizzlies matapos ipasok ang tatlo sa apat na free throws sa huling 10.9 segundo ng overtime. Ang Game 4 ay gagawin bukas sa Memphis.

Sina NBA scoring champ Kevin Durant at Russell Westbrook ay kapwa umiskor ng 30 puntos para sa Thunder. Si Zach Randolph ay nagtala ng 16 puntos at 10 rebounds para sa Memphis, na nagwagi ng 15 diretso sa kanilang homecourt.

Clippers 98, Warriors 96
Sa Oakland, California, gumawa si Blake Griffin ng 32 puntos at walong rebounds habang si DeAndre Jordan ay nag-ambag ng 14 puntos at 22 rebounds para tulungan ang Los Angeles Clippers na maungusan ang Golden State Warriors at makubra ang 2-1 lead sa kanilang serye.

Umiskor si Klay Thompson ng 26 puntos habang si Stephen Curry ay nagtala ng 16 puntos at 15 assists para sa Warriors.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending